Ang sunog sa Los Angeles estado ng CALIFORNIA
isang progresibong lungsod sa bansa ng AMERIKA
ito ba’y maituturing na masaklap na PARUSA?
at mensahe mula sa Diyos bunga ng PAGKAKASALA?
ng mga taong palalo’ at ayaw ng kumilala
sa DAKILANG PANGINOON na lumikha sa kanila
II
Ang syudad ng LOS ANGELES ay ang natatanging pugad
ng mga HOLLYWOOD ACTOR at mga ACTRESS na sikat
mga mararangyang bahay sa maraming komunidad
nilamon lahat ng apoy naabo sa isang iglap
naging tila impyerno ang napaka-pamosong syudad
sa di matingkalang init at apoy na nag-aalab
III
May mga pala-palagay na ang DIYOS daw ay nagalit
sa mga taong sa KANYA ay wala ng pananalig
pinangalandakan pa na kahit minsan di nabanggit
pangalan ng PANGINOONG may likha ng lupa’t langit
ang ganyang pananalita ay tahasang PANLALAIT
na hindi dapat bigkasin at MAMUTAWI sa bibig
IV
paliwanag ni deputy director CRYSTAL L. RAYMOND
ng WFFRC sa may ESTADOS UNIDOS
mayroong posibilidad na nagsimula ang sunog
sa pagbabago ng klima at sa pag-unlad ng lungsod
ang mainit na paligid sa panahon ng tagtuyot
sanhi upang magka WILDFIRE sa gubat at mga bundok
V
Subalit ang sinasabi naman ng ilan ay iba
na may pananalig sa Diyos na bumase sa BIBLIA
katulad daw ng nangyari sa GOMORAH at SODOMA
ang naganap na sunog sa LOS ANGELES CALIFORNIA
paraan daw ito ng DIYOS upang bigyan ng BABALA
ang lahat ng mga bansang sa KANYA’Y aalipusta
VI
Ang pagkasunog ng LA ay lubhang napakasaklap
sa mga naninirahan sa napakagandang syudad
dahil sa malaking sunog na kailan lamang naganap
ay nagmistulang GHOST TOWN na ang buong KOMUNIDAD
maaring hindi lamang bilyong dolyar ang katumbas
ng mga ari-arian na sa sunog at nawasak
VII
Ano pa man ang dahilan ng mapaminsalang SUNOG
mahalaga pa rin naman ang may pananalig sa DIYOS
sapagkat SIYA ang sandigan nitong buong SANSINUKOB
kaya’t tayo sa KANYA ay hindi dapat makalimot
purihin ang PANGINOON ang DAKILANG MANUNUBOS
pasalamatan sa buhay na sa atin ay KALOOB