Home Headlines 800 magsasaka sa San Marcelino tumanggap ng fertilizer voucher

800 magsasaka sa San Marcelino tumanggap ng fertilizer voucher

167
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — Humigit kumulang 800 mga local rice farmers sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang tumanggap ng fertilizer voucher mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ito ay sa ilalim ng Fertilizer Subsidy Program kung saan tumanggap ang mga benepisyaryo ng fertilizer voucher na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Ayon kay Municipal Agriculture Office Head Remin Sardo, layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka upang kanilang magamit at makabili ng abono para mapataas pa ang produksyon, kita at pagunlad ng agrikultura.

Aniya, ito ay karagdagang tulong lamang mula sa pamahalaan panlalawigan bukod pa sa suporta na ibinababa ng national government sa mga magsasaka.

Samantala, nagpasalamat naman ang 43 taong gulang na si Frederick Dumayas mula sa Barangay Laoag sa natanggap na tulong.

Humigit kumulang 800 mga local rice farmers sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang tumanggap ng fertilizer voucher sa ilalim ng Fertilizer Subsidy Program ng pamahalaang panlalawigan. (San Marcelino LGU)

Aniya, malaking tulong ito para sa kanilang mga magsasaka dahil kinukulang sila sa budget sa pambili ng abono.

Ipinahayag din ni Mayor Elmer Soria ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan sa natanggap na tulong mga magsasaka sa kanilang bayan.

Marami aniyang programa ngayon na ginagawa ang agricultural office gaya ng mga pagsasanay at seminar para mabigyanng konting kaalaman at dagdag kaalaman sa pagsasaka ang mga ito.

Kabilang sa mga naging benepisyaryo ang mga magsasakang nagsesecond crop ng dry season. (CLJD/RGP, PIA Region 3-Zambales)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here