LUNGSOD NG CABANATUAN — Tinatayang nasa P10 milyon ang halaga ng mga istruktura at aria-arian na naabo sa sunog na tumupok sa sampung pwesto sa bakuran ng Old Capitol ng Nueva Ecija sa Burgos Ave., Barangay Quezon District dito bandang 11:31 ng gabi nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Cabanatuan, walong firetrucks at tatlong ambulansiya ang rumisponde sa insidente.
Bandang alas-11:41 ng gabi nang mai-report sa BFP ang insidente at nakarating ang mga bumbero ganap na alas-11:44 ng gabi.
Naideklarang fire under control ganap na alas 12:31 at tuluyang naapula ang apoy ganap na ala-1:13 ng umaga.
Kabilang sa mga nasunog na establisimiyento ang Language Skills Institute Office, Boy Scout of the Philippines Office-Nueva Ecija Chapter, Civilian Security Unit Office-Nueva Ecija, at pitong single-storey canteen.
Patuloy ang imbestigaayon sa pinagmulan ng sunog.