Home Headlines DTI nagpaalala sa mga establisimiento sa Aurora na sumunod sa price freeze

DTI nagpaalala sa mga establisimiento sa Aurora na sumunod sa price freeze

183
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Nag-paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa

mga grocery at supermarket sa Aurora na sumunod sa itinakdang price freeze.

Ito ay matapos isailalim ang lalawigan sa State of Calamity bunsod ng mga pinsalang natamo dahil sa mga magkakasunod na bagyong ‘Nika’, ‘Ofel’, at ‘Pepito’.

Sinabi ni DTI Aurora Consumer Protection Division Chief Pacita Bandilla na saklaw nito ang mga presyo at suplay ng mga basic necessities tulad ng de latang sardinas, tinapay, at deboteng tubig, at mga prime commodities gaya ng kape, gatas, at kandila.

Nag-paalala si Department of Trade and Industry Aurora Consumer Protection Division Chief Pacita Bandilla sa mga grocery at supermarket na sumunod sa itinakdang price freeze matapos isailalim ang lalawigan sa State of Calamity bunsod ng mga pinsalang natamo dahil sa mga magkakasunod na bagyong ‘Nika’, ‘Ofel’, at ‘Pepito’. (Michael A. Taroma/PIA Region 3)

Nagbabala si Bandilla sa publiko na nakasaad sa Republic Act No. 7591 o Price Act na parurusahan ang mga mahuhuling naghohoard ng mga pangunahing bilihin at muling pagbebenta sa mas mataas na halaga.

Makikita ang listahan ng mga kasalukuyang presyo sa official Facebook page ng DTI Aurora.

Tatagal ang price freeze hanggang Enero 18, 2025. (CLJD/MAT, PIA Region 3-Aurora)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here