SAN MARCELINO, Zambales — Sa kauna-unahang pagkakataon isinagawa ang indigenous tribal games kung saan nagpaligsahan sa pagtudla ang mga katutubong Ayta nitong Nov. 26 sa Mt. Bagang, Barangay Santa Fe sa bayang ito.
Ang paligsahan na may temang: “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan at Parangalan” ay nilahukan ng 250 na mga katutubo na inorganisa ng Zambales provincial government sa pangunguna ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr., kasama ang Armed Forces of the Philippines at National Commission on Indigenous Peoples katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa pamumuno ni Mayor Elmer Soria.
Ayon Soria, maganda ang ginawa ng provincial government, AFP at NCIP sa pag- initiate ng tribal games dahil isang hakbang na ito ma-preserve yang mga laro ng IPs dito.
Ilan sa mga tribal games na nilaro ay ang long range archery, bagbagto sibat at iba pa.
Ipinakita din ng mga Ayta ang kanilang katutubong sayaw. Contributed photos