Home Headlines Motorcycle rider sa malagim na aksidente kinasuhan na

Motorcycle rider sa malagim na aksidente kinasuhan na

1589
0
SHARE
Sa burol ng tatlong magkakapatid. Kuha ni Armand Galang

SANTA ROSA, Nueva Ecija – Pormal nang sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries, at damage to property ang driver ng single na motorsiklo sa aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong magkakapatid na paslit sa Barangay Mapalad dito kamakailan.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Niño Callueng, imbestigador ng Santa Rosa Police Station, kaagad na sumailalim sa inquest proceedings ang rider na si Joevan Tumbaga, 25, sa Nueva Ecija Provincial Pprosecutor’s Office.

Nakaditine ngayon sa male custodial facility ng Santa Rosa police si Tumbaga.

Bandang alas-10 ng gabi noong Sabado nang bumangga ang minamanehong motorsiklo ni Tumbaga sa tricycle na minamaneho naman ni Michael Santillana.

Nasawi sa nasabing aksidente ang tatlong anak ni Santillana na sina Marcus Kellex, 10; Kayelle Alexa, 6; at Mikyla Tessa, 2.

Patuloy namang ginagamot sa hospital si Santillana.

Aminado si Tumbaga na nakainom siya ng alak nang maganap ang aksidente bagaman at ikinakatwiran niya na kumain umano sa kanyang linya ang kasalubong na tricycle kaya’t sinubukan din niya umano na lumipat sa linya nito dahilan upang sila ay magsalpok.

Sa gitna ng pagsisi ay humihingi ng kapatawaran si Tumbaga sa pamilya ng mga biktima. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here