Home Headlines Nakalap ng mga mangingisda: P12.2-M shabu mula Mindoro, P2.3-M mula Palawan

Nakalap ng mga mangingisda: P12.2-M shabu mula Mindoro, P2.3-M mula Palawan

138
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Tinatayang aabot sa P12 milyon ang halaga ng shabu na inintrega ng walong mangingisda sa tanggapan ni punong barangay Marvin Chua ng Barangay Matain dito bandang alas-5 ng hapon, Oct. 14.

Ang magkasanib na operatiba ng Zambales PNP at PDEA ang umasikaso sa mga na-turnover na droga na may kabuuang 11 pirasong “knot tied transparent plastic pack” ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 1,800 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P12,240,000 sa “standard price” o P4,860,000 sa “street price”.

Ayon sa mga mangingisda kanilang na-recover ang bulto ng shabu sa layong 90 nautical miles ng Lubang Island, Mindoro Occidental.

Samantala, inintrega din ng isa pang mangingisda mula sa Mariveles, Bataan ang dalawang plastic na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 350 gramo na nagkakahalaga ng P2,380,000.
Ayon naman kay Lt. Col. Dennis Orbista isang mangingisda mula sa Barangay Camaya ang nag-turnover ng droga.

Ayon pa kay Orbista, noon pang Sept. 25 narekober ng mangingisda ang droga sa Palawan sa may West Philippine Sea at kahapon lamang nito naisalin sa pangangalaga ng mga otoridad matapos makabalik mula sa pangingisda.

Ang mga nabanggit na shabu ay kaagad na dinala sa PDEA Regional Office lll para sa disposisyon. Photos: PDEA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here