Home Headlines Ex-Gov. Alvarado naghain ng COC sa pagka-gobernador

Ex-Gov. Alvarado naghain ng COC sa pagka-gobernador

191
0
SHARE
Si dating Governor Wilhemino Sy-Alvarado na hawak ang COC na ipinapakita sa mga mamamahayag. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS– Naghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong Oct. 7 sa Comelec provincial office si dating dating Gov. Wilhemino Sy-Alvarado sa ilalim ng Partido Demokratiko para sa Reporma.

Si Alvarado ay sinamahan sa Comelec ng kanyang maybahay na si dating Bulacan 1st District Rep. Marivic Sy-Alvarado at mga taga-suporta nito.

Ayon kay Alvarado, kakandidato siya na walang political tandem na wala ring mga board member at alkalde dahil kailangan ng reporma sa pagka-gobernador.

Ang mga Bulakenyo aniya ang nagtulak sa kaniya na muling kumandidato at sino man aniya ang manalo na vice governor, mga board member at mga alkalde ay kailangang makatulong ng gobernador at ang posisyon ng punong-ehekutibo ng Bulacan ang siyang kailangan na ayusin.

Paliwanag ni Alvarado na hindi na aniya nadadala ng Kapitolyo sa publiko ang serbisyo gaya ng pagpapagamot ng mga may sakit lalo na sa pampublikong ospital.

Ngayon aniya ay hindi na ito naseserbisyuhan ng Bulacan Medical Center at dinadala pa ang mga pasyente sa mga karatig lalawigan gaya ng Pampanga at Nueva Ecija.

Dati aniya ay nasa P3 billion lang ang pondo ng Bulacan pero ngayon ay nasa P8.4 billion na ito na dapat aniya ay naibabalik ang bahagi nito sa pagseserbisyo.

Dapat din aniya na matutukan ang Bulacan Bulk Water right na hindi maayos ang pagpapatakbo, pagbaha, maging ang pagpapatayo ng airport, walang habas na quarryng at depektibong Bustos Dam checkgate.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here