Home Headlines Mag-ama nagfile COC bilang mayor at vice mayor

Mag-ama nagfile COC bilang mayor at vice mayor

216
0
SHARE

Mariveles, Bataan: Nag-file ng Certificate of Candidacy ang mag-amang Jessie Concepcion, bilang vice mayor, at Ace Jello Concepcion, bilang mayor ng bayang ito ngayong Sabado ng hapon sa municipal office ng Commission on Elections.

Ang matandang Concepcion ay tatlong term na dating mayor ng Mariveles samantalang ang anak na isang abogado ay kasalukuyang mayor ng nabanggit na bayan at naghahangad ng re-eleksiyon. Kasama ng mag-amang nag-file ng COC ang walong kandidato sa pagka-kasapi ng Sangguniang Bayan.

Sinamahan ni 3rd district Congresswoman Gila Garcia sa local Comelec office ang grupo bilang pagpapakita ng suporta sa Team AJ Concepcion.

Bago ang filing ng COC ay nagmistulang pista ang lugar bago dumating sa opisina ng Comelec – Mariveles. Walang hinto sa pagwagayway ng mga larawan ng mag-amang Concepcion at mga kandidato sa pagka-konsehal ang napakaraming supporters.

Hindi magkamayaw ang mga tao na pilit lumalapit, yumayakap at humahalik sa mga kandidato lalo na sa mag-amang Concepcion. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here