SAMAL, Bataan — Nagsimula na ang regular na klase sa mga public schools sa Bataan nitong Lunes, Agosto 5, tulad sa Samal South Elementary School sa Barangay Sta. Lucia, para sa school year 2024 – 2025.
Masasaya ang mga bata habang hatid ng kanilang masasaya ring kaanak sa unang araw ng klase na nakatakda sana ng ika-29 ng Hulyo ngunit dahil sa salantang dulot ng bagyong Carina at habagat ay ipinagpaliban ito sa Bataan at ginawang Agosto 5.
Ang ipinagpaliban ay mga klase mula kindergarten hanggang junior high school.
Sa isang panayam, sinabi ni schools division superintendent Carolina S. Violeta na ipinagpaliban ang klase noong ika-29 ng Hulyo sa 212 public schools sa Bataan upang maihanda ang mga paaralan mula sa epekto ng bagyong Carina at habagat.