Oo, patay na nga si Osama bin Laden, ang kilalang punong terorista sa daigdig at lider ng Al Qaida.
Subalit marami parin ang mga terorista na kagaya ni Bin Laden ang nagpapahirap at unti-unting “pumapatay” sa mga ordinaryong tao.
Sa katunayan, marami sa kanila ay nagtatrabaho sa gubyerno. Wala man silang AK-47, may kanya-kanya naman silang sandata upang makapaghasik ng lagim sa sangkatauhan.
May mga direktor na nananatiling naka-pwesto sa mga government-owned and controlled corporations o GOCC na wala namang ginawa kundi ang magpakasasa at magnakaw.
“Hindi ako mag-na-na-kaw,” ang pangako ni P-Noy noong panahon ng kampanya. Naniniwala ako sa kanya. Subalit sa kaniyang pamamahala ay nakapagtataka na may mga nanatili ngayon sa pwesto bilang direktor ng GOCC na alam naman ng maraming mga Kapampangan na walang matinong nagawa sa ilalim ng kanilang panunungkulan. Terorista din ang dapat itawag sa kanila.
May mga terorista naman na naka-pwesto sa lokal na pamahalaan. Bago niya pirmahan ang isang “program of work” upang mai-release ang pondo ay humihingi muna siya ng porsyento.
Oo, “ikukulong” ka niya sa kaniyang malamig na silid na ano pa’t kayong dalawa lang ang nakakarinig ng inyong pinag-uusapan.
Kung hindi man salapi ay cellphone ang kaniyang ihihirit sa iyo, sa mga opisyales ng barangay o sa mga SK chairman. Kung may nailabas na walong cellphone, tiyak ay sa kaniya ang isa. Kung may 33 barangay ang isang lungsod o ang isang bayan, ibig sabihin ay may 33 din siyang cellphone na pupwede niyang ibenta o ibigay sa kaniyang mga “inaalagaan.”
Ang ganitong tao na nagpapakunwaring alagad ng Diyos ay isa ring terorista. Clue? Spell Mississippi with one “EYE”. Kilalang kilala siya ng mga empleyado sa Angeles City hall, mga opisyales ng barangay at SK (dati at kasalukuyan).
May mga negosyante naman na sinasamantala ang kakayahan ng manggagawang Pinoy, Kapampangan man o hindi. Kunwari ay inihahanap ng trabaho ngunit ang totoo’y kinikikilan lang sila dahil sa hindi naman ibinibigay ang kaukulang sahod nila.
Kung halimbawang P12,000 kada buwan ang ibinayad ng isang kliyente na nangangailangan ng janitor, P6,000-7,700 lamang o mas mababa pa ang ipinapasweldo sa mga manggagawa.
Sa kanilang sariling kahangalan at katangahan ay may gana pa silang magsampa ng kasong libelo sa mga mamamahayag. Sila’y mga kampon din naman ni Bin Laden.
May mga punong opisyales naman na kinukurakot at nilalaspag ang kaban ng bayan, lalo na sa malaking koleksyon sa amilyar o Real Property Tax (RPT). Matagal na sanang nakinabang ang mga mamamayan mula sa Internal Revenue Allotment o IRA kung naging lungsod lamang ang bayang ito na nasa Gitnang Luzon.
Ngunit dahil sa hindi nito naibigay ang kaukulang bahagi (mula sa RPT) para sa probinsya, hinugot ng sangguniang panlalawigan ang isang resolusyon na nageendorso sa kongreso upang ang nasabing bayan ay maging isang ganap na lungsod. Saan ba napunta ang milyon-milyong perang dapat na ibigay sa lalawigan? Terorista din ang dapat itawag sa kanila.
Sino pa ba ang mga kampon ni Bin Laden? Ah! Hindi ko na i-isa-isahin pa ang kanyang mga ginawang karumaldumal sa gubyerno. Para sa mga maraming Pinoy, siya ang reyna ng mga terorista sa Pilipinas, ang ina ng mga nabanggit sa unang bahagi ng kolum na ito. Ngunit kung naisip at naramdaman man ninyo na kayo nga ang aking tinutukoy at kayo ay nagdamdam, isa lang aking masasabi: “I am sorry.”
May kilala pa ba kayong mga terorista at kampon ni Bin Laden? Itext niyo lang ako sa numerong: 0917-391-0622 o mag-email sa: jaguilar.editor@gmail.com.