A tribute to JLP

    628
    0
    SHARE
    In celebrating our anniversary tonight, we are pleased and blessed that we have been given the opportunity to serve you for four years.

    It has been a very fruitful and historic years of newspapering. Fruitful because Punto Central Luzon became a finalist in the Philippine Press Institute’s annual Community Press Awards in 2009. On our first year as member of PPI, we were nominated Best in Business and Economic reporting for 2008 together with other local papers in the country. PPI is the national organization of newspapers in the Philippines.

    The following year, Punto Central Luzon became a finalist again for the category “Best Edited” newspaper.

    This year, as we wait for PPI’s Community Press Awards, Punto Central Luzon recently forged a partnership with Philstar.com, the official website of the The Philippine Star, one of the most respected national dailies in the country.

    Aside from our website: www.punto.com.ph, our photos and stories could now be seen and read at www.philstar.com, which to date has more or less 10 million viewers a day.

    More importantly, Punto’s fourth year of service to Central Luzon folk, was historical. Historical because all of us, including our Marketing Manager, Ning Cordero and General Manager Atty. Gener Endona, were charged with libel.

    I don’t know if it is an accomplishment or the biggest joke we heard in our four years of newspapering. Why? It is because the petitioner, Rene Romero who lost three times in the Most Outstanding Kapampangan Award (MOKA), invented his own meaning of the word “ululating.”

    Ululating, an intransitive verb, which means “to howl, wail, or lament loudly,” was misconstrued by Romero as ulul in Bong Lacson’s column entitled Romero ululating.

    But that is not the funniest part of this libel suit. Our editorial consultant Bong Lacson will just be the one to tell you in detail.

    Dahil sa ang Punto Central Luzon ay isang bilingual na pahayagan, nais kong ihatid sa inyo ang huling bahagi ng talumpating ito sa tagalog.

    Kaalinsabay ng pagdiriwang na ito ay sama-sama din kaming nagluluksa sa pagpanaw noong Abril a-18 ni Jose L. Pavia, ang executive director ng PPI at patnugot ng pahayagang Mabuhay sa Bulacan at mas kilala sa tawag na JLP.

    Kung mayroon man kaming narating ngayon, o kung kami man ay naging makabuluhan sa loob ng apat na taon, ito ay dahil sa turo at tulong ni JLP na naging kaklase sa Ateneo ng aming publisher na si Dr. Leopoldo Lazatin.

    Sa pagtuturo niya, sinabi ni JLP na bilang mga mamamahayag, mahalaga na maihatid sa mga mambabasa ang dapat nilang malaman, hindi lamang ang gusto nilang malaman.

    Masaya na malungkot dahil ito ang unang pagkakataon na hindi namin siya kapiling. Ngunit bagamat hindi man natin siya kasama, naniniwala kami na mananatili siyang buhay dahil sa kanyang mga turo na nasulat sa ating mga puso.

    Ang ika-apat na anibersaryo ng Punto Central Luzon ay aming iniaalay kay JLP, ang aming mentor, editor, kaibigan at tatay.

    Ang kanyang mga adhikain at mga pakikibaka para sa malayang pamamahayag, kasama ang Punto Central Luzon, ay magpapatuloy sa tulong at awa ng Diyos.

    Gaya niya, magpapatuloy din kami sa pagtahak sa daan tungo sa pagpapakainam. 

    Hindi po ako isang mangangaral ngunit gusto ko sanang ibahagi ang isang bersikulo mula Efeso 6:12 bilang paggunita sa karumaldumal na sinapit ng aming mga kasamang mamamahayag sa Maguindanao:

    “Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.”

    Salamat sa Diyos sa Kanyang mga kaloob na hindi masayod at sa mga bagay na hindi na natin nalalaman ay gumagawa parin siya para sa atin.

    Maraming maraming salamat po sa inyong lahat at magandang gabi.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here