Ayon sa kwento ng mga matatanda
bago sakupin ng Japan itong bansa
ang ilan sa mga nasabing banyaga
kahit saang bayan ay pagala-gala
Nakikitang sila ay nangangalakal
ng bote at mga sari-saring metal
katulad ng tanso, aluminyo’t bakal
plastik at iba pang uri ng kalakal
Ang mga hapones na dumayo rito
naging kaibigan ng ilang Pilipino
at ang iba naman ay naging kasosyo
ng mga sakang sa kanilang negosyo
At sa paglipas ng mahabang panahon
naglisawan bigla itong mga hapon
na ang pangunahin pala nilang misyon
sakupin ang bansang Pilipinas noon
Hindi alintana ng nakararami
bilang ng hapon na lalong dumarami
kung saan nalaman na lang dakong huli
sila’y kasapi sa imperialist army
Na ang karamihan ay mga espiya
na sumaliksik sa ating heograpiya
dahil sa nangyari tayo’y nasorpresa
tanggulang pambansa’y hindi nakaporma
Tila ganyan din ang nangyayari ngayon
mga intsik naman ang naglilimayon
at ang masaklap pa’y biglang nagkaroon
Itong Bamban Tarlac ng dayuhang mayor
Si Guo Hua Ping pala at si Alice Guo
ayon sa pagdinig doon sa senado
ay napatunayan na iisang tao
dahil ang finger prints ay magkapareho
Kung gano’n pala ang mayor na si Alice
malinaw na isang lehitimong intsik
kaya nararapat lamang na ibalik
sa bansa ng mga katulad niyang chinese
Subalit kailangan pa munang kasuhan
kung totoong ito ay may kaugnayan
sa mga POGO HUB sa bayan ng Bamban
kung saan siya ang dito’y punong-bayan
Sa ngayon kung ating pakaiisipin
panganib ang dulot ng intsik sa atin
panahon na upang sila’y palayasin
pati POGO HUB ay dapat ding alisin
Dahil may illegal silang aktibidad
sa tinayo nilang mga pasilidad
ang bagay na ito’y nagsisilbing hudyat
na sila’y mayrong maitim na balak
WEST PHILIPPINE SEA ay pilit inaangkin
upang NAVAL FORCES nila’y palakasin
at ngayon ang tila nais puntiryahin
ay ang kalupaan nitong bansa natin
Upang di maulit ang nangyari noong
tayo’y salakayin niyaong bansang hapon
kumilos na tayo habang may panahon
at ang mga intsik ay ating itaboy