Nakakatuwang isipin na napupunan ni Mr. Delfin Lee ang mga pagkukulang ni Mayor Blueboy Nepomuceno sa lungsod ng Angeles.
Sa katunayan, ang isa sa mga bagong proyekto ni Mr. Lee ay ang The Courtyard sa Barangay Balibago na malapit naring matapos ngayong Disyembre.
Ayon sa mga residente at mga negosyante, muling sisigla ang negosyo sa Balibago dahil ang naturang proyekto ay magiging isang entertainment haven na siguradong pupuntahan ng mga turista dito at maging taga-ibang lugar. Ang Balibago ay kilala bilang business center ng Angeles.
Maliban sa Xevera-Bacolor at Xevera-Mabalacat, kay Mr. Lee din ang Sameera housing project sa barangay Sapalibutad. Ito ay para naman sa mga ordinaryong mga manggagawa na gustong magkaroon ng sariling bahay upang huwag ng mangupahan.
Ang lahat ng mga proyektong ito ay nakatulong ng malaki sa mga mamamayan ng Mabalacat, Bacolor at lungsod ng Angeles. Sayang nga lang at hindi nag-file ng certificate of candidacy itong si Mr. Lee para humabol ng alkalde. Dadaigin pa marahil ng Angeles ang lungsod ng Makati sa loob ng siyam na taon o pagkatapos ng tatlong termino ni Mayor Delfin Lee.
Kung hahabol naman si Mr. Lee ng pagka-alkalde sa Mabalacat, paniguradong tatalunin niya si Mayor Boking Morales. Sa pangunguna ni Mayor Lee, hindi malayong maisakatuparan ang pangarap ng mga Mabalakeños na maging lungsod ang kanilang bayan. Hindi lamang basta lungsod, kundi isang highly urbanized city kagaya ng Angeles. Inyong pagpaumanhinan ngunit nakakalungkot nga lang isipin na tila hindi isang highly urbanized city ang Angeles.
Nakakalungkot ding isipin na walang bagong kandidatong hahabol ng congressman sa unang distrito ng Pampanga. Isang kandidatong makapag-susulong ng mga pagbabago at reporma para sa mga mamamayan ng Magalang, Mabalacat at Angeles. Isang congressman na hindi nag-aabsent sa mga sesyon sa Kamara at tunay na nagpupursigi upang makagawa ng mga batas na pumapabor sa mga mahihirap nating mga kababayan.
Pwede natin sana siyang maipagmalaki at maihalintulad sa iilang mga respetadong mga mambabatas sa buong bansa. Subalit mananatili muna itong isang pangarap sa ngayon.
Tinanong ako ng isang estudyante kung ano ang aking masasabi sa mga proyekto ni Congressman Aurelio “Dong” Gonzales sa ikatlong distrito ng Pampanga. Ang aking sagot: Kahit sinong matinong tao na binibigyan ng humigit-kumulang na P80-milyon bawat taon na pork barrel ay magagawa ang ginagawa ni Cong. Gonzales, o maaaring higit pa. Ang tanong ay kung saan napupunta ang halagang ‘yan na kung ating sosomahin ay nasa P240-milyon sa loob lamang ng tatlong taon.
Perang galing sa mga tao, nararapat lamang na ibalik sa mga tao. Maging ang sahod ni Cong. Gonzales ay galing din sa mga tao at yan ang dapat nating tandaan.