LUNGSOD NG ANGELES – Ikinagalak ng ilang mga overseas Filipino workers sa Middle East at maging ang mga nagtatrabaho sa America ang panawagan ng Pinoy Gumising Ka Movement (PGKM) sa gubyerno na bilisang gawing pangunahing paliparan (international gateway) ng Pilipinas ang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).
Ani Jennylyn Pabustan-Vander Laan na nakatira sa South Dakota sa America, dapat ay suportahan ng ibat ibang sektor ang panawagan ng PGKM.
“Noon pa dapat ginawa ng pamahalaan na gawing pangunahing paliparan ng bansa ang DMIA dahil hindi lang OFWs ang makikinabang dito kung hindi pati narin ang mga karatig bayan at lungsod,” ani Vander Laan na nakatapos ng Bachelor of Arts in Mass Communications sa Angeles University Foundation.
Lalago umano ang iba’t ibang negosyo, maging ang turismo ay lalakas “subalit nakaka-lungkot lang na mukhang hindi seryoso ang pamahalaan.”
Maging ang kanyang mga kakilalang mga Fil-Ams ay umaasa din umano na sa DMIA sila lalapag dahil sa mas mabilis ang kanilang paglalakbay mula sa Clark patungo sa kanilang mga tinubuang bayan.
Sinabi din niya na nakakalungkot lang na hindi handa ang ibang mga lungsod katulad ng Angeles dahil sa “grabe ang traffic” at ang mga nababalitaan niyang krimen sa nakaraang mga buwan.
“Imbes na makakabuti ay nakakasira ito lalo na sa mga turista na nakakabasa ng mga balitang ito. Ang mga turista kase ay siguradong ipapamalita ito sa iba,” aniya.
Wala din umanong duda na mas maganda ang kinalalagyan ng DMIA kesa sa Ninoy Aquino International Airport dahil malayo umanong bumaha sa Clark.
“Clark is not near bay area, not surrounded by sea water, in fact we’re surrounded by mountains which is better,” dagdag pa niya.
Kamakailan ay nanawagan si PGKM Chairman Ruperto Cruz sa pamahalaan na bilisan ang pagsasaayos ng DMIA.
“What happened at NAIA with the onslaught of Ondoy should be a wake up call to the government to start vigorously pursuing the DMIA as premier airport,” aniya.
“There was also the incident of failure of the NAIA radar system last Sept. 12, also pointing to the inadequacy of that airport to fully serve as the main gateway. These ‘NAIA incidents’ would not happen at the DMIA with its ‘all-weather’ facilities,” dagdag pa niya.
Ang mga nagtatrabaho naman sa Doha Qatar na kagaya ni Renee Layug ay agad na sumang-ayon sa panawagan ng PGKM.
Aniya sa Facebook: “pakibilisan ng todo ng magamit na ang Clark.. can’t wait too long for DOH-CLK (Doha-Clark flight).”
Ani Layug, 30-40 minutes lang ang biyahe mula sa DMIA papunta sa kanilang bahay sa Subic at wala pa umanong ka-traffic-traffic.
Kagaya din ni Layug, ang ilang mga kakilalang OFWs na nagtatrabaho sa Singapore, Hongkong at Malaysia ay nagsabing: “Naiisip mo pa lang ang NAIA napapagod kana dahil sa traffic na iyong dadaanan.”