Home Headlines ALA KADAMAYBanta ng Partido Manggagawa: Okupahin ang pabahay ng NHA

ALA KADAMAY
Banta ng Partido Manggagawa: Okupahin ang pabahay ng NHA

863
0
SHARE
BALAGTAS, Bulacan — Muling sumugod nitong Miyerkules ang nasa 300 miyembro ng Partido Manggagawa (PM) sa National Housing Authority upang igiit ang kanilang karapatan sa pabahay ng gobyerno.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon na sumugod ang PM mula nang igiit nila noong nakaraan pang taon ang kanilang karapatan sa pabahay bilang mga lehitimong aplikante na mga naninirahan sa danger zone sa iba’t-ibang bayan sa Bulacan.

Nasa tatlong taon na daw nakabinbin ang kanilang aplikasyon samantalang ang Kadamay ay nakapag-okupa na ng mga bahay sa paggamit ng pwersa kayat nagbanta silang kaya din nilang gawin ang ginawa ng Kadamay kapag hindi pa tutugon nang mabilisan ang NHA.

Pangamba nila sa kanilang tiniritikan sa ngayon ang panganib lalo na’t papasok na ang panahon ng tag-ulan at sila ay naninirahan malapit sa mga kailugan.

Ang kanilang mga aplikasyon ay pawang ininderso pa nga anila ng provincial government ng Bulacan. Ayon kay Ver Estorosas, lider ng PM, lehitimo silang aplikante ng mga housing projects dahil sila ay mga nakatira sa danger zone sa Bulacan kaya’t kailangan na nilang makalipat ng tirahan sa lalong madaling panahon.

Nadismaya lamang daw sila sa resulta ng dayalogo sa NHA na muli na naman aniyang nangako ang ahensya na ipoproseso ang papeles sa loob ng dalawang linggo.

Tumagal ang kilos protesta ng mga ito sa harapan ng tanggapan ng NHA ng halos dalawang oras at matapos noon ay nilisan nila ang lugar para muling bumalik makaraan ang dalawang linggo at kung wala pang mangyayari sa kanilang kahilingan ay binigyang diin na maari nilang gawin ang ginawa ng Kadamay gayong mas lehitimo sila na bigyan ng pabahay kaysa sa mga ito.

Hindi naman napaunlak ng panayam ang NHA Balagtas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here