“An authoritarian form is expected”

    514
    0
    SHARE

    SA AKALA kaya nitong kay Pangulo
    ay palaging pintas ang ibinabato
    sa kanya ng mga di niya kaalyado
    ya’y makabubuti sa ating gobyerno?

    At sa akala r’yan kaya nitong iba,
    makabubuti rin itong palaging siya
    itong sinisisi t’wing may ma-tokhang na
    ‘pushers & users’ ng iligal na droga?

    Sa akala kaya rin nina Trillanes,
    Risa Hontiveros, at Renato Reyes
    (ng Akbayan) ay may positibong ‘effect’
    ang kakabanat n’yan sa ‘sitting president?’

    Ano sa akala rin nitong CHR
    ang posibleng ikabuti rin ng bayan
    kung pati na salot ng ating lipunan
    ay kinukunsinte’t ipinaglalaban?

    At sa akala rin kaya ng marami,
    sakali’t hindi si Rodrigo Duterte
    ang pinalad mahalal na presidente,
    di kaya ang ‘tulak’ ay lalong matindi?

    At sa akala ba natin sa puntong ‘yan
    ay di pa posibleng kahit sa tiangge lang,
    makabibili na riyan ng naturang
    paninda ang mga gumon na sa ganyan?

    Kaya nga’t kung hindi si Pangulong Digong
    ang pumalit sa Malakanyang kay PNoy,
    higit marahil sa otsenta porsyentong
    bilang ng kasalukuyang populasyon,

    Adik na sa shabu at iba pang bawal
    na bisyo ang ating mga mamamayan
    sanhi nitong halos araw-araw na lang
    ay hindi kakaunti ang napapabilang.

    At kung saan naisin man ni Pangulo,
    na masolusyonan ang bagay na ito
    ‘during his 6 year term,’ kapag hindi nito
    ginawa ang ika nga’y ultimo remedyo.

    Kaya nga sa punto ito ang maaring
    alternatibo na lang ng Pangulo natin,
    kamay na bakal ang kanyang pairalin
    upang ang lahat ay magawang sugpuin

    Kung saan pati na ang kanyang hinalang
    ang bagsakan ng droga’y mga barangay
    (opisyal,) panahon na para palitan
    itong sa ngayon ay nasa katungkulan

    Na kung saan itong mga malalaking
    pamilya ang siya’ng sa puesto palaging
    papalit-palit sa hawak na tungkulin,
    dala ng mahirap silang kalabanin

    At ibaba sa pagka-punong barangay
    nitong ang laman ng bulsa ay barya lang,
    kaya ang planong NoEl ng Malakanyang
    ang posibleng higit na kinakailangan.

    Sanhi na rin nitong ‘being familiar with
    each other in any particular office,’
    diyan umuusbong ang ika’y malimit
    na ‘connivance’ sa hindi kanaisnais.

    In due time, the soonest, our beloved president
    Is expected to move new form of government,
    Which he believes is much better than the present
    Form that he wants to push through for a total change.

    (Kaya kayong mga opisyal na ‘corrupt’
    na walang ginawa kundi magpasarap,
    maghanda-handa na ng pinal na ulat,
    kung saan ang IRA n’yo nagasta lahat!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here