Operation Tanggal Bulok sa “PUV owner” dagok

    353
    0
    SHARE

    MARAPAT lamang ang agarang pagkilos
    nitong sa Pampanga pangunahing lungsod
    kaugnay ng ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’
    na isinagawa ‘vs. public transport’.

    At kung saan ang pang-transport na ahensya
    ng gobyerno, sa ilalim ng pangunguna
    ng ‘Inter-Agency on Traffic’ sa mga
    dyip na PUV ang sinampolan nila.

    Natural lang na marami ang nabigla
    sa mga tsuper na lubhang napamangha,
    lalo ang kagaya riyan halimbawa
    ng ‘smoke belcher’ at marami ang ‘wala’

    Tulad ng kawalan ng ilaw, ‘side mirror,’
    walang ‘signal light’ at kalbo na ang gulong
    at iba pang gamit na pang-transportasyon,
    kung kaya’t ang dami nilang ‘violation’.

    Na nagresulta sa agad natiketan
    at nakumpiska ang lisensya ng ilan,
    na di n’yan malaman ang idadahilan
    upang ang panghuhuli ay maiwasan.

    Ang hirap sa ibang mga tsuper ng dyip,
    at ‘operator’ diyan na sobra ang tipid,
    anhin na lang wala nang bibilhin kahit
    isang ‘screw’ lang o anumang pamalit

    Para sa nasirang pyesa ng sasakyan
    na pinapasada nila araw-araw,
    kaya’t kahit pudpod na ang gulong minsan
    ng kanilang dyip ay todo-pasa lamang.

    At di alintana ang posibilidad
    na ikadisgrasya o ikapahamak
    ng pasahero n’yan ano pa mang oras
    ang minamaneho ay biglang bumagsak.

    At ang isang bagay na kataka-taka
    ay kung bakit nakalulusot ang iba
    sa ‘smoke belching test’ ang mga dyip nila
    gayong ‘yearly required’ na magpa-’test’ sila

    Sa mga ‘LTO Testing Center’ natin
    bago makapasa ‘yan sa ‘Smoke Belching’
    at iba pang bagay na kakailanganin
    para sa ligtas na pagbibiahe pa rin.

    Pero hayan, kundi pa nag-’conduct’ kwenta
    ng ‘on-the-spot’ na aktual na pagrikisa
    ang gobyerno at ang ‘concerned’ na ahensya,
    di ‘nagising’ ang sektor ng ‘pamasada’.

    Na apektado sa biglang pinag-utos
    ng isa sa ating maunlad na lungsod,
    sa gitna ng Luzon at karatig pook,
    na ‘World Class City Mayor’ ang nakaluklok.

    At bagama’t ‘last term’ na bale ni EdPam
    pero patuloy pa niyang ginagampanan
    ang tungkulin n’yan ng buong katapatan
    para sa lungsod sa pinamumunuan.

    Di gaya ng iba na komo’t pababa
    na sa katungkulan, di na alintana
    kung minsan ang dati nilang ginagawa,
    (at mailap na rin sa prescon ika nga!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here