“Careful analysis is in need”

    358
    0
    SHARE

    KUNG ganitong pati na mga pinatay
    ng ‘hired killer’ o ng lihim na kaaway
    ni Juan ay kay Duterte ini-uugnay
    nitong sa kampanya niya ay pasaway

    Partikular hingil sa bawal na gamot,
    at kung saan walang humpay ang batikos
    ng hindi kasangga, malamang umabot
    sa kalahati ng dilawan ni Panot

    Ang kontra barata na katulad nina
    Risa Hontiveros, Trillanes at saka
    ng iba pang di na tinantanan siya,
    anong maasahan natin sa kanila?

    Kundi ng tiyak na pawang negatibo
    na mga pahayag laban sa Pangulo,
    imbes katigan ang adbokasya nito
    laban sa paglala ng masamang bisyo

    Sapagkat simula nang kanyang ilunsad
    ang kampanya nito ‘vs. illegal drugs’
    di na tinantanan ng kung anong pintas
    ang anila’y mali niyang pamalakad

    At kung saan nga r’yan ang ant- Duterte
    ay sa kanya lagi nang isinisisi
    ang pagkamatay ng itinomba pati
    ng iba, at siya’ng bagsakan ng sisi.

    At kulang na lang ay pati na kinitil
    ng holdaper ay ang administrasyon din
    itong ninanais na papanagutin
    ng mga kalaban ng Pangulo natin.

    Sa akala kaya natin kung hindi siya
    itong pinalad na mahalal, ilan na
    kaya itong adik at lulong sa droga
    sa panahong ito sa Metro-Manila?

    At maging sa lahat ng dako ng bansa
    ay marami na ring sa droga sugapa,
    kaya’t bago pa nag-pangulo ng bansa
    si Digong, matindi na r’yan ang pinsala

    Na idinulot ng di pag-asikaso
    at kawalang paki ng nasa gobyerno,
    partikular noong ang batang Aquino
    ang sa Malakanyang nakaupo mismo.

    Kaya nga’t kung hindi si Mr. Duterte
    ang pinalad para maging presidente
    (sa panahong ito), ‘within one year to three’
    pinasususo na ang shabu sa ‘baby’

    At marahil kung hindi rin si “Rodrigo”
    (tawag sa kanya ni Donald Trump), tantya ko
    malamang pati na sina Lola’t Lolo
    ay sugapa na rin sa lintik na shabu!

    At baka kung sino pang basta isangkot
    ng Napolcom at ng PDEA sa gamot
    na bawal para lang ‘yan may mai-report
    kay Pangulo upang gumanda ang record?

    Na kagaya nitong bigla ay naglabas
    itong Napolcom ng detalyadong ulat
    na ang mayor sa isang bayan nitong Tarlac
    at city mayor sa Pampanga’y kasabuwat?

    Kasama pati ang labing pitong mayor
    at isang umano ay ‘sitting governor,’
    na ‘individually & clearly’ ay tukoy
    ang pangalan nila sa ‘list’ ng Napolcom?

    Sana, bago tayo maglabas kapatid
    ng anumang isyung nakapananakit,
    ‘human rights’ muna ng baka idinawit
    lang ng kung sino ang unang isaisip!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here