“When will barangay OIC”s be named?”

    363
    0
    SHARE

    NGAYONG ang termino sa panunungkulan
    ng mga opisyal nating pambarangay,
    kasama na r’yan ang ‘appointees’ lang bilang
    nitong nakaupo pang Punong Barangay

    Ang katanungang kung tuloy ba talaga
    itong ‘by appointment’ lang na pagtalaga
    ng ating Pangulo ay sisimulan na,
    ang siyang ating isyung pag-usapan muna

    Upang sa gayon ay mabigyan ng linaw
    kung hanggang kailan ang itinakdang araw
    na mauupo ang mga OIC’s daw
    na ipapalit sa nakaupo ngayon

    Na kwenta nabigyan lamang ng ‘extension’
    upang sa serbisyo nila magpatuloy,
    na hanggang ‘last day of May’ lang at ‘1st of June’
    mga OIC’s na ang iupo ni Digong.

    Tama at nabigyan sila ng palugit
    para manatili yan sa ‘seat of office,’
    pero maaring oras na maisip
    ng ating Pangulo ang kanyang ‘in public’

    Ay sinabi niyang ‘more than forty percent’
    ng kasalukuyan na mga ‘incumbent’
    barangay officials ay ‘involved’ sa ‘racket’
    ng bawal na droga bilang mga ‘pushers’

    Anumang oras ay posibleng agaran
    n’yang sa DILG ay kara-karakang
    ipag-utos tiyak ng kagalang-galang
    na Pangulo ang salitang binitiwan

    Na kundi man lahat ay ibababa niya
    pero malamang ay higit sa sitenta
    porsyento ang mga Punong barangay na
    malamang masibak o ibaba na niya.

    At maaring pati pagkansela nito
    sa nakatakda ng halalan sa Mayo,
    ay gawin niya upang ang ilang ‘dorobo’
    at ‘involved’ sa droga di na mananalo

    Kung saan ay pihong gagamitin nila
    ang ‘drug money’ para mangibabaw sila
    laban sa sinumang kakandidato pa
    pagsapit ng Mayo… kaya pihado na

    Ang wala na munang talagang halalan
    dahil pihong sila na naman uli r’yan
    sa bawat barangay na dating hawak n’yan
    itong mananalo kung magkahalalan.

    Ganyan ang pananaw ng nakararami
    kaya maaring tama ang presidente
    sa hinuha niyang tunay ngang ‘drug money’
    ang puno’t-dulo ng krimeng matitindi

    Na nangyayari at di mapigil-pigil
    nang dahil na rin sa aniya’y posibleng
    higit kailan man ay itong iba nating
    ‘local offi cials’ ang kung minsan ‘King & Queen’

    At ang tangi na lang ultimo remedio
    para masugpo na ng ating gobyerno
    itong talamak na bentahan ng shabu,
    ay papabain na ang lahat na siguro

    Na mapatunayan nilang sa ‘illegal drug’
    ay sangkot kundi man ‘hari na ng tulak’
    upang sa gayon ay tuluyang magwakas
    dito sa’ting bansa ang kriminalidad.

    At sa ganang aming sariling opinion,
    gawin na sa lalong madaling panahon
    ng ating butihing Presidente Digong
    ang ‘by appointment’ at wala ng eleksyon!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here