“Mistaken identity”

    390
    0
    SHARE

    SA ISINUMITENG ‘counter affidavit’
    ni Dr. I.R. sa Department of Justice,
    yan sa sarili niyang statement nabingwit
    na siya umano bilang Nephrologists,

    Nasa 300 na ang kanyang pasyente
    na ‘under his renal care individually,’
    kaya sa puntong yan ay di imposible
    na di magkamali nang pagtukoy pati

    Kung alin at sino talaga ang ‘subject’
    na pasyente nito sa kanyang ‘statement,’
    na ayon sa kanya yan ay ‘more than 10 days’
    nang di kumakain – It’s a serious mistake!

    (Sapagkat ni hindi inabot man lamang
    ng ‘3 days’ sa pagka-‘confined’ sa ospital
    ang aking asawa bago niya napatay,
    kaya papaano niya mapatunayan?)

    At itong ‘husband’ na aniya’y palaging
    dinaratnang tulog kun g kaya naisin
    man niyang makausap di nakuhang gawin,
    ya’y ‘mistaken identity’ rin marahil

    Pagkat akong itong ’husband’ ng biktima,
    ni minsan di ako nahiga sa kama
    ng ospital at/o dumukmo sa silya
    para umidlap at makapagpahinga.

    Sa puntong ito ay napakaliwanag
    na ibang tao nga’t di ang aking kabiyak
    ang ‘subject patient’ na operahin dapat
    ni I.R., sa ganoong araw at oras.

    At ako na aniya’y nais kausapin
    hinggil sa kung ano ang marapat gawin
    di naipaliwanag, pagkat ako’y laging
    tulog umano ay ‘alibi’ na lang din.

    Posible rin namang siya ay tuliro
    na sa ubod dami nitong ‘pending’ kaso
    na dapat harapin kaya’t ang ‘work’ nito
    bilang Nephrologists lubhang apektado.

    At nang dahil na rin sa kinakaharap
    na problemang iyan, siyempre damay lahat
    ang kanyang pagkilos at kredibilidad,
    ‘that may all resort to’ sa trabahong palpak.

    Kasi sanhi na rin nang pagnanais niya
    na kumita agad ng malaking pera
    para mabayaran ang obligasyon niya
    sa naging kasosyo nito at iba pa

    Na hinikayat niyang umano’y magtayo
    yata ng Renal Care Center, nang lumago
    inangking sarili’t lahat ng pangako
    ay walang natupad at pawang napako

    Hayan, kinasuhan na nga kalaunan
    siya ng Estafa (na kasong kriminal)
    sa Macabebe at sa ‘province capital,’
    (aywan lang kung mayrun sa iba pang lugar).

    ‘But although in nature’ di magkapareho
    ang kaso n’yan sa ‘kin at sa ibang tao,
    ya’y mai-iugnay din naman siguro
    sa ‘characteristic’ niya’t pagkatao.

    And, since he’s so badly in need of big amount
    At this point in time to pay all his creditors,
    What he did to my dear wife’s death is tantamount
    To establish against him a probable cause;

    In filing an instant case against said person
    In any bar of justice in the 3rd Region,
    For and in my love one’s to have justice at all,
    So she may rest in peace in God’s Holy Kingdom.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here