Sa bayan ni Juan, sa matino ayaw?

    285
    0
    SHARE

    ITONG ‘Commission on Appointment,’ na siyang
    sa sinumang ‘appointees’ ng Malakanyang
    para maging ‘cabinet members,’ ang pinal
    na mag-aapruba – madugo kung minsan.

    At walang iniwan sa animo’y butas
    ng karayom itong daanan madalas
    ng mga ‘appointees’ na karapatdapat,
    bago maitalaga ng ‘executive branch’

    Ang ninanais na makatulong pati
    sa pamamahala bilang Secretary,
    pagkat di hawak ng ating Presidente
    ‘the authority to assign anybody’.

    Sanhi na rin nitong ang ‘appointing power
    and authority of a sitting president
    is limited when it comes on certain matter
    that the said commission officially handles’.

    Kaya naisin man ng ating Pangulo
    na sina Yasay at Lopez ang ipuesto
    sa DFA at sa DENR mismo,
    di nito magawang i-retain pareho.

    Dala nga r’yan nitong kapag inayawan
    ng komisyong kinabibilangan minsan
    ng mga Solons na malaki ang bilang
    na di kapartido r’yan ng Malakanyang

    Pulitika tiyak ang mangingibabaw
    at mga ‘personal interest’ na rin n’yan
    ang mamamayani sa puntong naturan,
    lalo’t sa bagay na pagkakakuwartahan!

    Ano pa ba naman itong hahanapin
    ng CA kay Yasay at kay Ms. Lopez din,
    na pareho namang may taglay na galing
    at maaasahan sa takdang tungkulin?

    Si Ms. Gina Lopez sa ganang sarili
    na pag-analisa ni abang ‘yours truly,’
    siya palang itong sa husay magsilbi
    ‘as DENR Sec,’ ang kapuri-puri.

    At ‘workaholic’ din namang matatawag
    itong si Ms Lopez sa kanyang pagtupad
    ng ‘mandated duties’ niya na marapat
    tutukan sa lahat ng saglit at oras.

    Na talaga naman ding ang kalikasan
    at kapaligiran ang binabantayan
    para manatiling ligtas sa anumang
    salot na dulot ng kalapastanganan

    At kawalang ‘paki’ sa naturalesa
    ng mga miners at illegal loggers na
    panakaw madalas ang pagsira nila
    sa ating ‘natural resources’ sa tuwina.

    Di kaya ng dahil sa kasosyo itong
    ilang magagaling nating mga Solon
    sa ‘mining industry’ kaya’t ang pag-ayaw
    n’yan laban kay Lopez ay lubhang maugong?

    Posible rin namang sa ‘tong’ sila busog
    kung kaya marahil ikinatatakot
    nila ang pag-upo ng isang di takot
    gawin ang kailangan at dapat masunod.

    Na di nagawa ng kinauukulan
    sa loob ng mahabang taong nagdaan;
    O dahil na rin sa ‘since time immemorial’
    “Sa bayan ni Juan, sa matino ayaw!?”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here