Impunity, No Way for Duterte

    655
    0
    SHARE

    MAGPIPITONG taon na sa abeinte tres
    ng Nobyembre ang pinaka-deadliest
    na pag-massacre sa 34 Journalist
    at iba pa, na ang total ay 58

    Kung saan kasama sa napakabrutal
    na pagpatay, (nitong sinasabing hitman),
    ay ang misis noon nitong kalaban
    sa pagka-governor ng mga Ampatuan

    Na hinarang nila sa liblib na lugar
    papunta sa Shariff Aguak para mag-file
    ng kandidatura ni Esmael laban
    kay Andal Jr. ng pamilyang Ampatuan.

    At animo’y hayop na pinagbabaril
    ng itinuturong suspek o salarin
    sa pitumpu’t walong kababayan natin,
    na kasama lang ng misis ni Esmael

    Sa pag-fi le nga nito ng kandidatura
    ng mister, kung saan sa kwenta convoy niya,
    kabilang ang treynta’y kuatrong journalista,
    abogado, ‘aides’ at iba pang kasama.

    At kung saan pati ang napagkamalan
    Nga nilang kabilang sa convoy, pinatay
    dala na rin marahil nang nasaksihan
    na posibleng maging tinik kalaunan.

    Na hayan, bagama’t may mga nagkusa
    nang tumayo para tumestigo yata,
    pero base na rin sa napabalita,
    ay paisa-isang biglang nangawala?

    At ang kaso laban sa itinuturong
    utak ng madugong pagpatay ay dedbol
    na rin (at ang kanyang iba pang amuyong)
    na sunud-sunuran kay Ampatuan Sr.

    Sana ngayong ang ating Pangulong Digong
    na ang umu-ugit sa Administrasyon
    ay magawan niya ng kaukulang aksyon
    ang kaso sa lalong madaling panahon

    Nang sa gayon mabigyan na ng hustisya
    ang pagkamatay ng kawawang biktima
    ng ‘impunity’ o kawalan kumbaga
    nang pananagutan ng mga maysala.

    Na sanhi marahil nang sila’y malakas
    sa pamahalaan nitong nakalipas,
    na mahigit ‘6 years’ ay kampante lang lahat
    ang nagpapatay na kampon ni Satanas.

    Nakapagtatakang sa magkakasunod,
    umupong pangulo hanggang sa matapos
    ang ‘terms of office’ n’yan tila ni gabuhok
    ay di umusad ang kaso sa ‘trial court’

    Gayong ang naturang kaso ay malinaw
    na kagagawan daw ng mga Ampatuan,
    ayon sa ‘witnesses’ na kusang lumitaw
    pero pagkatapos, di na makapa yan?

    Para panindigan sa’ting Court of Justice
    kung sino talaga ang tunay na ‘culprit;’
    Subalit matapos, ni isang pagdinig
    ay wala na, aywan lang natin kung bakit.

    At sana nga, ngayong si Digong Duterte
    na ang nakaupo bilang Presidente,
    mabuksan muli ang usapin sa Korte
    At ang umiral ay ‘norms of justice’ pati!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here