Kumusta na ang dating “Chief-of-Staff?

    408
    0
    SHARE
    SA PAGKA-APPOINT kay Alex Cauguiran
    ni Pangulong Digong upang pamunuan
    ang CIAC (o DMIA?) ay maaasahang
    gaganda ang serbisyo ng paliparan.

    At higit sa lahat, pati internal na
    pamamalakad sa CIAC, (sa kamay niya)
    ay tiyakang higit ding mapapaganda
    sa pamumuno ng eksperto talaga.

    Na kagaya nga ni Alex Cauguiran,
    na sadyang subok na sa panunungkulan,
    mapa-pribado o palingkurang-bayan;
    (Taga-sa-panahon ika’ kung kawayan).

    Hayan, pagkaupo pa lang niya sa puesto
    ay inatasan na ang ‘rank-and-fi le’ nito
    na ya’y mag-sagawa r’yan ng imbentaryo
    ng ‘resources’ saka iba pang ‘revenue’
    ;
    Pati detalyado rin nilang listahan
    ng mga ‘locators’ d’yan sa paliparan,
    hiningi niya sa kinauukulan,
    isumite agad sa kanyang tanggapan;

    At inatasan din ang mga opisyal
    na mag-sumite yan ng ‘specific plans’
    sa lalong madaling panahon, para niyan
    makuha ang datos na kinakailangan.

    At ito’y marapat maisagawa agad
    upang ang may hawak sa kaha ng CIAC
    magawang i-budget ang pondo sa dapat
    paglagyan kumbaga, sa lahat ng oras.

    At tinukoy niyang: “If we have the money
    we have capacity” sa madaling sabi,
    na magbigay ‘increase’ sa mga ‘employee,’
    (at sa ibang bagay na kailangan pati?)

    At nitong isang Lunes na nakaraan,
    isa sa pangunahin ding tinutukan
    ng Pangulo CIAC, Alex Cauguiran
    itong kung tawagi’y ‘rationalization plan;’

    Upang sa gayon ang ‘Government Commission
    on GOCC’ ay agad makatugon
    sa pag-apruba ng mga ‘adjustments for
    salaries and wages of CIAC workforce’ ngayon.

    Tinukoy ang napakagandang relasyon
    kay ‘newly-appointed’ President Vince Dizon
    ng Bases Conversion and Dev. Corporation,
    gayon din si Noel Manangkil – na ngayon

    Ay ang bagong Pangulo nitong CDC,
    tinitiyak niyang sa ikabubuti
    ng corporation ay sila’y magsisilbi
    nang todo (at wala ring iwanan pati?)

    “My passion is about airports,” ani Alex
    And I used to be an activist, and clamored
    For the removal of military bases;
    And a civilian use it’s a must in its place?

    Kung saan noon ay sabi pa ni Alex
    siya’y nasa harap mismo nitong ‘Main Gate’
    ng Clark – kasama ang iba pang activist,
    upang ang US bases ay mapatalsik!

    Ganyan katindi ang bagong Presidente
    at CEO ng CIAC, in its capacity
    To handle any public offi cial duty,
    Since Alex is of good moral ascendancy!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here