Ang tunay na bida

    565
    0
    SHARE

    (Kaugnay ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa talamak na illegal drug at iba pang masamang bisyo, nais ibahagi ng inyong abang-lingkod para sa inyong malugod na pagbabasa, ang isinulat ng kanyang panganay na anak hinggil sa bagay na naturan sa pagkakatong ito).

    SA PELIKULA ay eksena madalas
    huli kung dumating Alagad ng Batas;
    Kadalasan sila’y ating namamalas
    sa pinakadulo ng isang palabas.

    Kahit pa si ‘Da King o si Lito Lapid
    ang bida sa mga ‘Pinoy Action Movies;’
    Karaniwang papel na r’yan nitong pulis
    sa mga kalaban, sila ang dadakip.

    At karaniwan ng kung kailan patapos
    ang pelikula ay saka humahangos
    Sa huling eksena papapel karampot
     para hulihin ang masasamang loob.

    Kaya lumalabas na katawa-tawa
    itong kapulisan sa mata ng masa,
    Subalit ngayon ay sila na ang bida
    sa pagsupo nitong talamak na droga.

    At sa pagtupad ng kanilang tungkulin
    ang mga kritiko ay marami pa rin;
    Bakit daw ang pusher di na lang hulihin
    ng buhay at bakit kailangang patayin?

    Ang mga pulis ay merong kasagutan
    hinggil sa ganitong mga katanungan;
    Sabi nga ni “BATO” minalas ang ilan,
    partikular na yong mga nanlalaban.

    Sa pulis din naman may nabibiktima
    tulad ng sinapit ni captain Garcia;
    Ito ay nabaril, nang arestuhin niya
    ang dalawang tulak ng bawal na droga.

    Kahit tinamaan ng punglo sa pantog
    ang huwarang pulis gumanti ng putok;
    Tinaya ang buhay, kasamang nalugmok
    mga taong sa’ting lipunan ay salot.

    Ang naturang pulis ay sinamang palad
    sa tama ng bala na galing sa sumpak;
    Kung di namatay ang mahusay na parak
    mag-aakusa ang CHR ng “RUB OUT”

    Ang kadakilaan ay tingnan din natin
    sa mga pulis na tapat sa tungkulin;
    Kung meron mang ilang may maling gawain
    ay mas marami ang marapat purihin.

    At bagaman mayrung anila’y tiwalî
    na nasusuhulan minsan ng salapî,
    ay mayrun din namang mga natatangî
    na handang maglingkod, magpakabayanî.

    Sila talaga ang masasabing bida
    sa tunay na buhay at wala ng iba;
    Tagapagtanggol ng ating demokrasya
    at Saligang Batas nitong Republika.

    Suporta ng masa ay lubhang kailangan
    ng mga sundalo’t ating kapulisan;
    Sila ang bantay ng mga mamamayan
    laban sa salot at dumi ng lipunan…

    Vhelle V. Garcia
    August 25, 2016
    U.A.E.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here