hanggang sa ito ay ganap maging siyudad,
si Boking ang tanging umupo nang lampas
sa ‘3-terms of office,’ na iupo lang dapat
Ng sino pa manding ‘local executive’
sa alin mang bayan, ‘including all cities
that exists under the Philippine republic’
(na pang‘Believe it or Not’ kay Mr. Ripley’s).
At kung saan ‘starting 1995’
ang ‘career’ ni Boking minsan man di nag-‘dive’
kontra sa sino pa mang kanyang naging ‘Vice’
o ibang nagtangkang ang Mayor i-‘override’.
Sa kung ilang beses na pag-upo nito
bilang mayor pa rin gayong nakatatlo
na s’yang ‘terms of office’ at kwenta pampito
itong pang-huli n’yang paghabol sa puesto.
At kung saan sa ‘history ng politics’
dito sa atin o sa ‘entire Philippines,’
maituturing na kampyon si Morales
sa lahat ng naging ‘local executives’
In terms of longest serving as sitting mayor,
nowhere in our country ever acquired before
by anyone, but except Mabalacat town’s
Marino Morales, by fair competition.
Which on record with just one month interruption
for more than twenty years in his beloved town;
Kaya lubhang napaka-suwerte ni Mayor
sa puntong lahat na halos ng desisyon
Ng ‘highest tribunal’ sa protesta ni Dee,
na naging kalaban sa pagka-alkalde,
pabor kay Morales ‘by technicality’,
kaya palagi nang talo si Anthony.
At halos wala ngang ‘gap’ ang beinte-unong
taong pag-upo ni Boking bilang Mayor,
kaya masasabi rin natin sigurong
pinakamapalad siya sa ‘3rd Region’
O kahit sa buong bansa man marahil
dahil sa husay niya at taglay na galing
ay posibleng hanggang sa ‘year 2019’
puedeng humabol kung kanyang nanaisin?
At wala naman ding dapat ipagsisi
ang mga Kabalen sa serbisyo pati
na ginampanan at lubos pinagsilbi
ng tapat ‘in terms of his official duty’
At hindi kailanman na naging masama
siyang panaginip sa mata ng madla,
kaya naman lahat, sa buting nagawa
ni Boking ay labis ang kanilang tuwa.
Sa pagkakaroon ng butihing Mayor
na bukas-palad sa gawaing pagtulong
sa balana, lalo sa kabayan nitong
nangangailangan ng ‘medical attention’.
At ang tiyak na takbuhan nitong lahat
partikular na riyan ng mga Aetas
ay dili’t ibang ang butihing ‘city Dad’
ng maunlad na lungsod ng Mabalacat.
Liban sa iba pang halos di mabilang
ng mga gampanin at tinututukan
ni Mayor Morales sa kanyang tanggapan,
na bukas sa lahat ng nangangailangan.
Kaya sumobra man sa bilang ng taon
ang dapat ilagi ng butihing Mayor
sa tanggapan ng Mabalacat city hall,
kailanman si Boking hindi naging ‘horror’.
Kundi dapat pa ngang ipagpasalamat
nitong residente ng naturang siyudad,
ang ‘by circumnstances’ nagka’ron at sukat
sila ng Mayor na walang makatulad!