“Lethal injection,” di sapat

    301
    0
    SHARE
    KUNG totoong di lang karaniwang pulis,
    kundi matataas manding opisyales,
    ang nasa likuran ng ‘illegal-drug-trades’
    at ibang bagay na di kanaisnais

    Saan na hahantong sa ating akala
    ang ganyan kung di sa pagkapariwara
    at sa kawalan ng lubos na tiwala
    sa mga opisyal nitong ating bansa.

    Maliban sa ito ay di ikarangal
    (nating mga Pinoy sa pangkalahatan,
    partikular na sa pang-internasyonal
    na lipunang ating kinabibilangan).

    Kundi kahihiyan at ng matindi ring
    insulto lalo na sa gobyerno natin,
    ang tayo ay mayrun ng ganitong klaseng
    mga opisyal na nakakayang bilhin

    At paikutin ng mga ‘big time dealers’
    ng shabu, kapalit ng takdang tungkulin
    na dapat gampanan ng buong taimtim
    para sa bayan at mamamayan natin.

    At anong posilbeng kahantungan nito
    kundi nang kawalang respeto ng tao
    sa ‘men-in-uniform’ at hanay din mismo
    ng ahensyang ito ng ating gobyerno?

    Yan ba’y di nasilip nitong nakaraang
    administrasyon kaya lumubha ng ganyan?
    (O sadyang ang lahat ng kanyang kabagang
    sa puntong nasabi’y nagbulag-bulagan?)

    At binale-wala ang lahat kung kaya
    ang ‘illegal-drug-trades’ ay lalong lumalala;
    Kung saan posibleng ang ating hinala
    ang totoo at di lang puro akala?

    Hindi ba sumagi man lang sa isipan
    ng mga naturang PNP official,
    na walang lihim na di natutuklasan,
    kaya sumasaw sa bagay na illegal?

    Na maari nga nilang ikapahamak
    anumang sandali sa araw ng bukas?
    na kagaya ngayong may kumanta’t sukat
    laban sa illegal nilang aktibidad?

    Sabagay, ano pa nga bang magagawa
    ng lahat ng sangkot sa ganyang ‘himala’
    kundi mag-umiyak lang ng walang luha,
    at magturuan sa palpak na nagawa.

    Sana naman itong si Pangulong Digong
    ay lalo nang maging matatag sa ngayon
    sa adbokasya niya laban sa ganitong
    klaseng aktibidad na di ikasulong

    Nitong ating bansang pinamumugaran
    ng mga ‘corrupt’ at walang kabusugang
    Heneral, na gaya ng pinangalanan,
    na ng ‘Commander-in-Chief sa Malakanyang.

    At upang magsilbing aral sa lahat na
    ng nasa gobyerno’t maging kanino pa,
    sana ang pinaka-matinding parusa
    ang igawad natin laban sa kanila.

    At kung maari lang sila ay ibitin
    ng patiwarik at sila’y literal ding
    sa pamamagitan ng lubid bigtiin
    nang di pamarisan ng iba pang ‘pating’

    (And said execution should be done in public so that it would serve as a warning to all culprits!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here