Gloria Macapagal kung tanggihan itong
anila ay kusang pagbigay ng pardon
ni ngayon president elect, Mayor Digong
Pagkaupo nito bilang presidente,
sa kadahilanang ito’y inosente;
At di pardon kundi ng pagpayag bale
ng ating ‘incoming’ Pangulong Duterte
Na makapagpyansa si Pangulong Gloria
para makakilos at matingnan siya
ng kung sinong doktor na espesyalista
bago harapin ang anumang kaso niya.
Kasi nga naman kung sadyang di totoo
ang ibinibintang sa dating Pangulo,
eh bakit ‘pardon’ ang kay Mrs. Arroyo
dapat ibigay kung inosente ito?
Kung tunay nga kasing may pagkakasala
si Madam at sadyang kailangan talaga
na siya’y litisin… eh, bakit taon na
ang inabot, minsan man di pa nabista?
Hanggang sa hayan at pababa na itong
kay Ginang Arroyo mga nagpakulong,
animo’y binuro lang kusa ni PNoy
si Mam sa VMH magpahanggang ngayon.
At inalisan ng lubos karapatan
Ni Simeon Aquino si Mam Macapagal
para harapin n’yan sa Sandigangbayan
ang kung anong kaso na ibinibintang.
Tama ba naman ang ikulong niya basta
ang ating mahal na si Pangulong Gloria
sa Veterans Memorial Hospital, saka
hayaan lang doon ng ilang taon na?
At ang malimit na di nito pagpayag
upang sa VMH si Mam makalabas,
yan ba’y makataong pagtrato at sukat
ni PNoy sa isang taong may dignidad?
Na kagaya niya’y naging ‘head of state,’
dangan nga lamang ‘due to some circumstances,’
kung saan ang Hyatt 10 ‘instantly defect’
kay PNoy, at si Mam may ‘warrant of arrest’
Sa kung anong sala na ibinibintang
ng administrasyon biglang ‘tinawiran’
nitong Hyatt10 ay naatim ba namang
iwanan ito nang ang bangka’y gumiwang?
Alalaon baga, sa puntong nasabi,
yan ay pagtataksil sa tuwirang sabi
kay ate Glo nitong kumambyo patabi
Sa noo’y halal na bagong presidente.
Kung saan ang lalong pinakamasaklap
ay kay Macapagal isinisi lahat
ng mga nag-hudas ang nagawang palpak;
Kaya si Madam ang naipit at sukat.
Kung anong bagay ang ikinatatakot
ni PNoy upang si Mam bigyang pahintulot,
na makapagpyansa para magpagamot
yan ang marapat na unang mai-‘resolve’
Okey lang sana kung nagkasalang tunay
ang ating Kabalen na siya’y mabigyan
ng ‘pardon’, pero ang ibig sabihin n’yan,
di ba’t pag-amin na sa ibinibintang?
Mas mabuti na ‘yong sa’ting ‘bar of justice’
mai-‘established’ ni Mam ng buong linis
at walang duda ang sarili niyang panig
nang naaayon sa tunay na matuwid!