Ang makinig sa sabi-sabi, walang bait na sarili

    484
    0
    SHARE
    Paglabas nito ay tatlong araw na lang
    maghalalan na – at kinabukasan
    kahit di pa natin maaring malaman
    kung sinong panalo at mga talunan;

    Partikular na sa pinakamataas
    na posisyon, pero may maaaninag
    ng ngiti sa labi r’yan ng maka-Roxas
    kung sa bilangan ay manok n’yan ang angat.

    Gayon din naman ang kay Digong bumoto
    sakali’t siya ang lumamang ng husto;
    (Ng kay Grace Poe, Binay at Miriam Santiago
    na umaasa rin naman na panalo).

    Kasama na r’yan ang ibang nagsihabol
    (mapa-nasyonal o lokal na eleksyon)
    na umaasa rin syempre ng panalong
    pinuhunanan n’yan ng kung ilang milyon

    Kung kaya’t marahil pati di marapat
    gawin nitong iba ay itinutulak
    upang itong sa ‘survey’ palaging angat
    mahila pababa para maibagsak.

    Tulad halimbawa nitong si Trillanes
    na nang dahil lang sa kanyang pagnanais,
    (sa ‘vice presidential race’ makapanaig)
    pati di direktang kalaban kinulit.

    At pinalalabas na may ‘tagong yaman’
    itong si Duterte para lang siraan,
    gayong salat naman sa katotohanan
    ang kay Mayor Digong ay ibinibintang

    Pagkat ang aniya ay ‘hundreds of million’
    na naka-deposit sa ‘account’ ni Mayor,
    nang siyasatin ay ‘in thousand pesos’ lang yon,
    kaya’t mali ang ‘expose’ ni Senator.

    Di ko sinasabing itong si Trillanes
    ay sinungaling o gawa lang ng tsismis
    ang kay Digong ay pinalalabas pilit
    na yan sa BPI may tagong milyones.

    Kaya kung totoo ang ating nakalap
    na impormasyong ang di pala pagtanggap
    kay Tonio, ni Mayor na siya ang kuning Vice,
    yan tiyak ang sanhi’t tanging naging ugat;

    Kung bakit ngayon ay itong si Duterte
    ay sinisiraan marahil ng dyaske;
    (At maituturing na paghihiganti
    ang ganyang pagkilos sa madaling sabi).

    Na di nalalayo sa diskarte nitong
    isang dating Solon, na kung kailan ngayong
    ilang araw na lang bago mag-eleksyon
    saka nagtawag ng madaliang ‘prescon’;

    At ipinakita sa mga dumalo
    ang anila’y ‘bombshell’ na panlaban nito
    sa ‘sole opponent’ niyang Ninong pa umano
    ng nagpa-‘presscon’ ang gustong ilampaso.

    At kung saan itong katunggali bale
    ngayon ng taong yan ang dating Alkalde
    ng kinikilalang ‘competitive city’;
    Na tunay naman din ngang kapuri-puri.

    Kung totoong sina Digong at ang Solon
    ay may tinatagong baho, bakit ngayong
    kailan ‘few days’ na lang bago mag-eleksyon,
    saka naghayag ng ganyang akusasyon?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here