itong halos walang kapahi-pahinga
at kapaguran din sa pangangampanya
ng luma’t baguhan lang sa pulitika.
Na kung saan sa ginawang paglilibot
sa iba’t-ibang lugar sila’y nagsusunog
ng di lang ‘in thousands, but millions of pesos,’
kaya hanggang saan yan magkakagastos?
Partikular na nga riyan sa ating limang
aspiranteng ang target ay Malakanyang,
Magkano sa ating akala, kabayan
ang nagasta nila bago maghalalan?
Gayon din ang naman ang katandem ng bawat
presidentiables na gustong makahawak
ng puwestong dikit sa pinakamataas
na ‘seat of office’ ng bansang Pilipinas
Maliban sa ating mga Senadores,
mga Kinatawan o Representatives
ng bawat distrito’t mga chartered cities,
gobernador, bise at saka board members.
Mayors, vice mayors at saka councilors,
na pawang listo at masisipag ngayong
‘campaign period’ o panahon ng eleksyon,
pero matapos ay balik ‘ningas kugon’?
Na kagaya nga riyan ng nakararaming
masisipag lang at nakakapa natin
kapagka’ sila ay may kailangan sa atin,
pero pagkaraan (saan hahanapin?)
Lalo na r’yan itong ibang Konsehales,
mga board members o ika nga’y Bokales;
At maging ang ibang ‘elected officers,’
na ‘visible’ dapat at palaging ‘present
From Monday to Friday,’ pero kalimitan,
kapag di pumasok ng Lunes, malamang
di na makapa sa kanilang tanggapan
hanggang sa sumapit ang ‘next week’, kabayan.
Sana, kung ano ang ngayo’y pinangako
ang siyang tuparin at sadyang isapuso
upang ang lahat na ay hindi mapako,
at pagkaraan ay muling mangangako
Pagsapit uli ng isa pang halalan,
na haharap muli yan sa taongbayan;
(Na nakasanayan na yata ng ibang
mga pulitikong ‘Trapo’ kung turingan).
Sa puntong ay pag-ukulan natin
ang bagay na ito ng matamang pansin
nang sa gayon ay di na tayo pamuling
makuha ng mga iyan sa ‘bolatsing’.
Mula sa pinaka-mababang posisyon
hanggang sa kung sino pamalit kay PNoy,
Senador, Congressmen, mga Gobernador,
VG, Bokal, Mayor, Vice, saka Councilor
(At iba pa) tayo’y maging mapili na,
upang makahanap na tayo talaga
ng mga tunay na maka-Diyos at saka
makatao’t sadyang may pagpapahalaga
Sa tungkuling tangan, (nang may kahihiyan),
at di kagaya r’yan nitong makakapal
ang pagmumukha at may pagka-garapal
sa paghawak ng anumang katungkulan.
Kung saan personal na interes muna
ng ibang masahol pa riyan sa buwaya
kung lumamon ang tiyak mag-hahari t’wina
kapag nagpatukso sa ‘lagay’ ang masa.
Magpakatalino na tayo, Kabayan
aa pagpili kung sino ang ihahalal
nating mamumuno sa’ting Inangbayan
sa nalalapit na pambansang halalan;
(Gayon din sa lokal na manunugkulan
upang ang gobyerno di na pamahayan,
ng mga corrupt at ulikbang opisyal
kapag matino ang pinalad mahalal!)