A proud Kapampangan

    805
    0
    SHARE

    Malaking bagay din itong naitulong
    Ni Rep. Martin Romualdez sa San Simon,
    Kung saan kahit na wala si Mayor Wong
    Nang magsadya siya’t magbigay ng tulong

    Para sa binaha ay masuyo siyang
    Namudmod ng ‘relief’ sa barangay San Juan,
    Kasama si Mayor Jun Tetangco’t kanyang
    Kalihim at iba pa nilang alalay.

    Dala ang ‘private dump truck’ ni Sir Tetangco,
    Na puno ng ‘relief goods’ para sa tao;
    Sa barangay San Juan mahigit limang libo
    Na naka-plastic bag ang binigay dito.

    Maliban sa mahigit sa limang libo rin
    Na naipamigay sa kasunod manding
    Barangay San Pedro base sa ‘source’ natin,
    Bago sa ibang lugar ay nagpamigay din.

    At naglibot para bisitahin din niya
    Ang mga lugar na binaha talaga
    Upang kahit papano makatulong siya
    Sa iba pang bayan dito sa Pampanga.

    Sa kaalaman ng mga Kapampangan,
    Si Martin Romualdez, ng Leyte kabayan,
    Ay dugo rin naman siyang Kapampangan,
    Kasi kabalen ni Boking ang Nanay niyan.

    (At isa si Congressman Martin Romualdez
    Sa naging matapat na kasanggang dikit
    Ni Madam Arroyo sa National Congress,
    Na di nag-‘over-the’bakod’ nang magipit

    Ang ating mahal na Pangulong si Gloria,
    Na hanggang ngayon ay minamaltrato pa
    Ng rehimeng Aquino sa di pagbigay niya
    Ng ‘house arrest’ na lang kahit maysakit siya.

    Romualdez, the lone senatorial candidate
    Of the Lakas party of former President
    And now detained Pampanga Representative
    Gloria Macapagal – remained a friend in deed.

    At di niya nagawang talikuran si Mam,
    Na kagaya riyan ng asa ay kabagang
    Pero nang ang bangka ni Ate, gumiwang
    Biglang tumalon sa bangka ng kalaban).

    Marapat lamang na itong si Congressman
    Martin Romualdez ating pagtulungan,
    Na maisulong ang kandidatura niyan
    Sa pagka-Senador bilang kababayan.

    Na maaasahan ng ating probinsya
    Sa ilang bagay na lubhang mahalaga,
    Na hindi nagawa marahil ng iba
    Nating nag-Senador na taga Pampanga

    Partikular na riyan itong di malaman
    Kung saan tatakbo tuwing may halalan,
    Pero kahit man lang sa pagka-Konsehal
    Ay di humabol sa sarili niyang bayan?

    Dalawa nga kasing klaseng pulitiko
    Itong sa tuwina’y mahilig tumakbo;
    Ang isa, ‘yong handa niyang isakripisyo
    Para sa tungkulin ang sarili nito.

    At ang pangalawa ay ‘yong para bagang
    Pampa-‘pogi points’ lang ang panunungkulan,
    Kaya nga’t kung saan nilang maisipang
    Tumakbo ay sugod kanduli kung minsan?

    At kahit batid na sila’y di marapat
    Sumawsaw sa ganyan ay nakikigayak
    Humabol dahil sa personal na hangad?
    Di baleng umani ng matinding pintas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here