Quarry collections steady at 20-M monthly

    343
    0
    SHARE
    (Note: This article has already been published in this paper on September 18, 2011. I rewrite it for the simple reason that it might be a good reminder to all, since the forthcoming 2016 National &Local Election is just few months away).

    Kung ang ‘yearly collection on quarry’ noong
    ang mag-amang Lapid pa ang Gobernador
    ay katumbas lang ng buwanang koleksyon
    ng Capitol noong panahon ni Among;

    At lalong lumaki ang buwanang kita
    ng lalawigan nang si ‘Nanay Baby’ na
    ang maupo matapos talunin niya
    si Among Panlilio sa ‘return bout’ nila

    Yan ay malinaw na pagpapahiwatig,
    na ang hinala kay Ex-governor Lapid,
    hinggil sa isyung siya ay posibleng sabit
    sa ‘lahar scam’ ay di lang isang tsismis.

    Kundi higit pa sa posibleng totoo
    ang maliwanag na basehan sa isyu;
    Pagkat ang kay Lapid kung ikumpara mo,
    ang alin man kina ‘Nanay’ at Panlilio

    Ay lubhang malayo itong kina Lapid,
    ‘in terms of millions’ ang perang ipinanhik
    ng ‘quarrying’ sapol nang sina Among Ed
    at ‘Nanay’ ang magkasunod na umugit

    Sa pamahalaang lokal ng Pampanga,
    na kung saan nag-‘multiply’ nga ang kita
    ng kabang-bayan ng naturang probinsya,
    sanhi ng malinis na ulat at kwenta

    Ng ‘daily collection’ na higit ang laki
    kung ikumpara sa dating yan ay ‘weekly’
    na ng kita – nitong probinsyang nasabi
    mula sa kung ating tawagin ay ‘quarry’

    Dahilan na rin sa ngayo’y malinisan
    Ang sistemang dapat sundin ng sinuman
    Sa ‘quarry site’ at ang ‘per truckload’ ay bilang
    Pati sa ‘checkpoints’ na kailangang daanan.

    Na di katulad nang dati’y todo pasa,
    ang ngayon ay sinusunod na sistema,
    Pagkat ang ‘per truck load’ na ikinakarga
    ng mga ‘haulers’ ay ‘accounted’ talaga.

    At nawala na ang dating hokus-pokus
    na pagmanipula r’yan ng nasa-loob
    at ng kakutsabang mga taga-hakot,
    (na naitatago marahil n’yan halos).

    Nakapagtatakang ang ‘yearly collection’
    ng mga Lapid nang sila ang Governor
    ay halos ‘monthly’ lang sa koleksyon ngayon
    Ni ‘Nanay Baby’ (at ng ‘priest-turned-governor’)

    Yan ay malinaw na kung walang himala
    na nangyayari nang kapanahunan nga
    ng mag-amang ‘actor’, ano’t ngayo’y bigla
    ang paglobo nito at karakaraka

    Ang pagsirit agad, kung noon ay walang
    di kanais-nais na salamangkaan,
    na namagitan sa ‘haulers’ at iba pang
    posibleng utak ng matinding nakawan?

    (Nang panahon nila… na lubhang malayo
    kaysa ang tunay ay di itinatago
    sa mata ng Masa nitong di hunyango
    kung kaya ang kita sa ‘quarry’ lumago?

    Kaya hayan hanggang sa kasalukuyan
    patuloy ang pag-unlad ng lalawigan
    sa kamay ng taong tunay na uliran
    ang adhikain n’yan sa panunungkulan!

    Kaya para ano ang taga Angeles
    Ay ipagpalit ang tulad ni Mayor Ed
    Sa isang kagaya lang ng ating ‘main subject’
    Na wala naman ding yatang ‘accomplishment’?!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here