Bakit di hulihin, mga asong gala?
Na sa mga kalye, ay nanglilipana
RA 9482, nang batas Pambansa
Ay mayrong mandatong, dapat isagawa
Aso ay ikulong, o kaya’y itali
Ng sino mang tao, na nagmamay-ari
Malinaw ang batas, walang pinipili
Askal man o mga, imported ang lahi
Mga asong gala’y, perwisyo sa kalye
Tuta man yan o yung, mga malalake
Bukod sa nagkalat, ang kanilang dume
Ay nagiging sanhi, rin ng aksidente
Sakuna’y malimit, ng dahil sa aso
Lalo na sa mga, naka-motorsiklo
Kapag nakadagil, ang sasapitin mo
Kung di hospital ay, baka sementeryo
Puro slogan lang, ating nababasa
Hinggil sa aso sa, mga karatula
Kahit anong inam, pa ng ordinansa
Kung di nasusunod, ay wala ring kwenta
Kahit saang lugar, man tayo mapadpad
Mga asong gala, sa kalye’y nagkalat
Ang mga kapitan, pati na kagawad
Sa mga barangay, tila tulog lahat
Di ba naiisip, dulot na peligro
Sa motorista, at ganon din sa tao
Pag nakakagat ang, may rabies na aso
Tiyak na ang bagsak, ay sa San Lazaro
Sa mismong goverment, center ng San Simon
Nagkalat ang mga asong, nanghahabol
Pagsapit pa lamang, nitong dapit-hapon
Di magkamayaw, sa kanilang pagtahol
Naro’n pa man din ang, istasyon ng pulis,
“Fire house na” first line of EMERGENCY SERVICE
Kung kaya’t ang aking, lugar na nabanggit
Dapat ay ligtas sa, asong mapanganib
Hindi lingid sa’ting, mga mamamayan
Nagkalat ang aso, kahit saang lugar
Anumang batas ay, nawawalang saysay
Depende sa taong, nagpapatupad n’yan
RA 9482, ay batas pambansa
Dapat pairalin, ng maisagawa
Kung di itatali, mga asong gla
Dakpin’t, ibigay sa, dapat mangasiwa
Barangay official, kayo ay kumilos
Sa panunungkulan, wag patulog-tulog
RA 9482, pairaling lubos
At parusahan ang, mga di susunod
Ipabatid ninyo, ang pananagutan
Sa nagmamay-ari, ng aso sa daan
Sapagkat kayo ang, mayrong kaalaman
Hinggil sa batas na, hindi nila alam