DSWD ang unang dapat lapitan

    222
    0
    SHARE
    Kung itong biktima ng panggagahasa
    ng isang adik at ang ‘parents’ ng bata
    ay di malaman ang gagawin ika nga,
    ang ibang tao ba’y walang magagawa

    Para makasuhan ang lumapastangan
    at mapanagot sa naging kasalanan,
    upang sa gayon ay kanyang pagdusahan
    ang pagiging salot nito sa lipunan?

    At mabigyan din ng hustisya ang bata
    sa sinapit, kung ang mga magulang nga
    ng biktima’y basta lang nakatunganga
    sanhi ng kawalang kakayahan ika?

    O nang dahil na rin sa Kapitan mismo
    ng barangay na di naging agresibo
    sa pag-istima at pagsampa ng kaso,
    pagkat kamag-anak yata n’yan umano?

    At kung saan tama’t may medico legal
    ng sumuri pero ang ‘findings’ yata niyan,
    Nna nagalaw nga ang bata’y pinalitan,
    kaya negatibo ang kinauwian

    Ng ‘medical result’ na inaasahan
    nilang positibo at magpapatunay
    na nagalaw nga ng ‘rapist’ ang batang yan,
    (“Moot and academic” na’t wala ng saysay)

    Para maisampa ng ‘parents’ ng bata
    sa piskalya ang kasong panggagahasa,
    Pagkat dahil sa ‘cover up’ na ginawa
    ng punong barangay ya’y nabale-wala?

    At ang isang bagay na maituturing
    na kapalpakan ng otoridad natin
    ay ang pangyayaring nang kanilang dakpin
    ang ‘suspected rapist’ ay wala pa manding

    Ano pa mang kasong dapat harapin niya
    laban sa ‘complainant’ sa ating Piskalya,
    kaya’t nang dahil sa kanilang pangamba
    na makasuhan ng (‘illegal arrest’ ba?)

    Ito’y pinalaya rin makaraan lang
    ng ilang oras sa loob ng piitan
    nang dahil marahil na rin kay Kapitan,
    (Na ‘cover-up’ nga ang ating pagka-alam).

    Sa pangyayaring yan ating ninanais
    alamin sa ating ‘Department of Justice’
    kung anong hakbang pa ang puede magamit
    ng biktima laban sa hayok na ‘rapist’

    Sakalit ang mga magulang ng bata
    ay sadyang wala na talagang magawa
    para maisulong pa n’yan kaipala
    ang kaso laban sa taong nanggahasa

    Sa kanilang anak na paslit pang tunay
    para danasin ang masaklap na bagay,
    na nanganganib na mawalan ng saysay
    pati karapatan niyang makapamuhay

    Ng may dangal dahil sa lubhang mailap
    ang hustisya sa katulad nilang hirap
    sa kabuhayan at gabutil mang pilak
    ay walang laman ang magkabilang palad

    Para ipaglaban ang karapatan niya
    bilang tao na may puso’t kaluluwa,
    At nang dahil na rin sa gawa ng iba
    nangingibabaw ang ‘injustice’ sa tuwina!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here