Paglinang sa kultura at tradisyon

    2267
    0
    SHARE
    Bilang pangulo ng mga manunulat na Kapampangan ay lubos nagagalak ang abang-lingkod n’yo sa naging pahayag ni Mayor Santiago ng kilalang Siyudad nitong San Fernando, dito sa Pampanga hinggil sa marubdob na pagnanais niya na mapanatiling buhay ang kultura at tradisyong sa’ting ninuno minana.

    Partikular itong katutubong Sabi
    Na unti-unti nang nahaluan pati
    Ng banyagang wika at di masasabi
    Nating ito ang siyang tunay na sarili

    At salitang ating sinuso kay Ina
    Habang nakahimlay sa kandungan niya;
    At kung saan unti-unting nakintal sa
    Ating murang isip ang salitang mana.

    Na ngayon ng dahil nga sa iba’t-ibang
    Dayuhang dito na sa’tin nanirahan,
    Ang ating sariling salitang ang siyang
    Sa puntong yan nanganganib na mamatay

    Sa sariling bayan kapag itong ating
    Lokal na opisyal ay tuluyan na ring
    Magpabaya at di agapang sagipin
    Ang pamana ng mga ninuno natin.

    Salamat, tulad nang sa bandang itaas
    Nasabi ng inyong abang manunulat,
    Si Mayor Edwin Santiago nitong Siyudad
    Ng San Fernando ay suportadong ganap

    Sa pananatiling buhay ng Salitang
    Kapampangan… at yan ay maging opisyal
    Na lengguahe dito sa nasabing bayan
    Pati sa mga Mall at bahay-kalakal;

    At pambungad na salitang gagamitin
    Ng mga ‘Salespersons’ diyan ng nasabing
    ‘Business establishment’ kung anong bibilhin
    Ng sinuman bago nila Tagalugin;

    Gaya halimbawa ng: “Sir, nanu pu ita?”
    Na madali namang matutuhan nila;
    (Kung di Kapampangan, yan ay natural na
    Mananagalog o kaya inglisin ka).

    At saka ka pa lang puedeng managalog
    Kapagka ang tanong ay hindi sinagot
    Ng isa kahit na ‘mekening’ baluktot
    Para makatupad lang sa pag-uutos.

    At itong umano ay Kapampangan man
    Ang karamihan sa ‘Saleslady’ at ‘Salesman’
    Ay nanagalog tuwina sa atin yan
    Sapagkat bawal daw na mangapampangan?

    Yan kung totoo nga ay marapat lang na
    Mapagsabihan na makisama sila,
    Dito sa lugar na pinuntahan nila
    At huwag ipilit ang sariling kanila.

    Nung den e la bisang ken maki-ugnayan
    Agpang king tradisyun at kulturang menan,
    Mangaintulid mu ing e ra buring gawan
    Ding batas a keti tamu ipairal;

    Partikular na ring dapat ipatupad
    Nang ordinansang ning kekatamung siyudad,
    At nung ali den e la karapat-dapat
    Magnegosyo keti king nanu mang oras!

    Inya keng puntung yan, bilang Kapampangan
    At Fernandino king pusu’t kaisipan,
    Ampon malugud king Amanu tang’ Sisuan,
    Y Mayor Santiago dapat yang pugayan

    At pasalamatan king adbokasya na
    A binang masampat kaku’t para keka
    Ngening king Amanung kagum ning kultura,
    King ikasaplala niti kayabe ya!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here