Di ko ninanasang kampihan si Mayor
Morales sa naging kanyang ‘counteraction’
Kay Pyra Lucas sa ‘serious accusation’
Ng nasabing ginang – na ‘publicly’ nitong
Inihayag ‘in print and broadcast’ang aniya’y
Si Mayor Boking ang perpetrator bilang
Ng pag-ambush at/o utak ng pagpatay
Kay Marian, na anak ng nasabing ginang
Ya’y posibleng pasok sa ‘libel’ marahil
Kung ang lahat na ng elemento mandin
Ng kasong libelo ay kumpleto nating
Masisilip anhin mang pakasuriin.
At natural lamang sa panig lalo na
Ng isang Alkalde pa mandin ang siya
Ay di basta na lang kikibo kumbaga
Para protektahan ang sarili niya
Sapagkat di simpleng akusasyon lamang
Itong kay Morales ay ibinibintang,
Na lubhang malayo ang pagka-iba n’yan
Kaysa karaniwang paninira lang d’yan
Sa nakararami nating pulitiko’ng
Mapagsamantala habang nasa puesto;
(At pangsarili lang ang inaasikaso,
Kaya di marapat na muling bumoto).
Matatandaang ang isyu ay nag-ugat
Sa pag-ambushed at/o pagpatay sa anak
Ng respondent na si Ginang Pyra Lucas
Sa barangay Mabiga, sa Mabalacat.
Na kung saan dala ng sobrang hinagpis
Marahil ni Ginang Lucas ay nabanggit
Yata niyang sila ni Mayor Morales
Ay may alitan o tinitimping galit
At itong anak niya ang napagkamalan
Umano (na siya) itong may dala riyan
Ng SUV nila nang ito’y tambangan,
Pero siya talaga ang puntirya daw n’yan?
Pero ayon naman yata sa pulisya,
Ang kongklusyon nitong sina Ginag Pyra
Ay lubhang malayo sa naging resulta
Ng nakalap nila sa pag-imbestiga
(Even if they are not discounting anything
In their probe, and they are still continuing
To dig up deeper on what is the real thing
Behind said ambush and/or mysterious killing).
Na humantong nga sa pag-file ng libel case
Ni Mabalacat city Mayor Morales
Kay Ginang Pyra Lucas sa Fiscal’s office
Ng probinsya nitong November 23rd.
At kung saan P20-million pesos itong
Kasong libelo na sinampa ni Mayor,
‘As moral damages’ at posible nitong
Pagka-kulong kapag talo sa desisyon?
At sana lumabas din sa bandang huli
Ang tunay na ‘culprit’ sa isyung nasabi,
Nang sa gayon itong akusasyon pati
Ni Ginang Lucas kay Mabalacat city
Mayor Morales ay lubos maresolba
At magpatawaran na lang ang dalawa;
At kung saan pati ang ka-Mabalacat pa
Ay malaman n’yan ang totoo talaga.
At magsilbi nawa ring mabisang aral
Sa lahat ang tayo’y huwag basta magbintang
Kahit kanino r’yan kung hinala lamang
Ang akusasyon at walang katibayan!