Home Headlines PRRD, bakit ilag harapin ang ICC?

PRRD, bakit ilag harapin ang ICC?

355
0
SHARE

Itong nangyayaring mga pagbatikos
ni Duterte laban kina Bongbong Marcos
at kapamilya n’yan ay maling pagkilos
ng isang gaya niya na padalus-dalos.

At animo’y walang karespe-respeto
sa katulad niya na naging pangulo,
na may kapalkan ding nagawa ito
nang siya pa ang kwenta hari sa Palasyo.

Na kung saan di rin kagandahang asal
ang pananalita ni Digong kung minsan
gaya ng kay Bongbong ay kanyang tinuran
na anak daw ng pu’… tama ba ang ganyan?

At kung anu-ano pa itong sinabi
na ating direkta riyang masasabi,
na ya’y higit pa sa paninirang puri
kung matamang ating suriing mabuti.

Pero pinagkibit lamang ng balikat
marahil ni Bongbong ganyang pahayag
ni Digong dahil sa batid niyang di dapat
patulan ang hindi ka-level ang edad?

Gustong palabasin riyan ni PRRD
na si PBBM ay durugista pati,
kaya para maging isang presidente
nitong ating bansa di makabubuti?

Kung hindi matino itong nakatiket
ni Sara, na anak naging ‘president’
Ferdinand E. Marcos, ang tanong ay bakit
pinayagan siyang kay Bongbong tumiket?

Kundi ng posibleng sirain ba ito
matapos ang ‘2 years’ o ng hanggang tatlo;
na pagkaupo ni Bongbong sa Palasyo,
kudeta ang balak na isulong nito?

At igapos itong mga mamahayag
ng ni walang tali, kadena at lahat
sa pamamagitan ni Sara, itulak
ang ‘martial law’ itong ideklara agad?

Di malayong gawin ni Digong ang ganyan,
na itong anak niya ay kanyang diktahang
isulong ang bagay na tanging paraan
upang ang ICC kanyang maiwasan?

Di ko sinsabing di matinong tao
ang ating minsan d’yan ay naging pangulo,
kundi sa kakaiba lang nitong estilo,
na mapagmura at walang sinisino.

At wala rin siyang pinipiling lugar
at oras kung kailan ang maselang bagay,
sinasalita niya kahit may masaktan,
gaya ng kay Bongbong – kawalang pitagan!

Pero sa likod ng pagiging Kengkoy niya
o ika nga’y joker at mapag-patawa,
saludo tayo at hindi kontrabida,
kundi manapa ay idolo natin siya.

Iisang bagay ang ating maipapayo
kung marapatin ng ating palabiro
na dating pangulo – magmura ay di po
gaanong mabili na gaya ng taho!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here