Kung di pa nagsampa ng kaso si mister ng ‘administrative for immorality,’ laban sa asawang isang public teacher ay hindi nagkontra demanda ang huli Ng kasong kriminal, na tinatawag na ‘anti-violence against women’ sa piskalya, nang ni walang ‘med certificate’ at saka barangay o police report siyang dala Maliban sa ‘usual questions and answers’ lang na nilalaman ng kanyang
“Sinumpaang Salaysay” sa harap ng pinagsumbungang istasyon ng pulis sa kanilang lugar (At marahil di na inusisa nitong pulis na nag-conduct ng investigation kung kailan nangyari ang isinusumbong, at nai-‘blotter’ ba ang pangyayaring ‘yon?
Sa tanggapan ng barangay chairman nila, pagkat kung hindi at wala ring doctor na tumingin sa kanya’t inisyuan siya ng nasabing med cert na kailangan niya Na magpapatunay na siya’y binugbog, sinaktan o kaya kahit man lang galos ay may nagmarka sa mukha n’yan o likod, yan puedeng batayan na may ‘probable cause’.
Ang reklamo kaya’t ang sinumang Piskal na matoka para imbestigasyonan ang kaso ay puedeng mag-issue agad yan ng ‘warrant of arrest’ kung kinakailangan. Buti na lang, sanhi ng ‘insufficiency of evidence ’ nitong ‘complaint’ ni babae, na- ‘dismissed’ din naman ang kasong nasabi matapos ang siyam na buwan din naman bale.
‘At the expense’ nitong tinorotot na nga ay siya pang tinakot nitong walanghiya at ubod ng kapal pati pagmumukha, na misis ni mister – at panay ang banta Na ipakukulong itong si lalaki kapag ang ‘admin case for immorality’ ng isinampa laban sa kanya’y isige ng ‘husband complainant’ sa DepEd Region 3.
Pero kung sinunod lang ng magagaling na police officer at ng piskalya rin ang tamang proseso ay hindi marahil magkalakas loob itong talusalingNa misis, ang siya’y makapag-file pa laban sa mister niya ng kontra demanda, na kahit imbento lang ang sumbong niya ay pinatulan ng pulis at piskalya.
At di ‘outright dismissal’ ang naging aksyon ng dalawang humawak na prosecutor, gayong ‘perjury’ nga lamang itong kasong marapat bigyan ng agarang solusyon. Na ‘pinatulog’ lang sa kanilang mesa mula Marso nitong bale pangalawa’ng Piskal na humawak maliban sa isa na pina- ‘inhibit’ ng idinimanda Sanhi ng ika nga ay kinakitaan siya ng ‘respondent’ ng pagka- ‘bias’ n’yan pabor sa ‘complainant’ kaya naisipan nito ang mag-file ng bagay na naturan.
At nakahinga na ngayon ng maluwag si mister matapos mailapit sukat ang problema sa ‘Commission on Human Rights,’ para makuha ang ‘custody’ sa anak!