Gov of all seasons

    542
    0
    SHARE

    Kung sa ating mga artista ay mayrung
    tinatawag silang ‘Star of all Seasons,
    ‘Mega Star,’ saka ‘Super Star’ noon,
    In Pampanga we have a Super Governor.

    The province ever had in person of “Nanay”
    which nobody else can never surely deny
    that she’s the most active compared to anyone
    who sat in said office since time immemorial.

    Na tunay naman ding ehemplo sa sipag
    at pagtupad pati sa tungkuling hawak;
    Pinaka-mabait, pinaka-malingap,
    at higit sa lahat – a true public servant!

    Na ang katungkulang hiningi sa bayan
    ay matapat niyang pinag-uukulan
    ng matamang pansin sa kanyang tanggapan,
    lampas man sa takdang oras na kailangan.

    At kung saan kahit mga ‘remote areas’
    nitong lalawigan kanyang sinisikap
    marating kahit pa man tanghaling tapat
    mapasyalan lang ang ibang komunidad

    At maabutan ng tulong na kailangan
    ang kaawa-awang mga kababayan;
    Na lubhang malayo sa serbisyong bigay
    ng mga naunang nating nanungkulan

    Na ang iba’y walang inatupag noon
    kung di magpatsarming lamang sa Capitol,
    Kaya imbes ang sersbisyo ay pasulong
    kundi man umatras naging usad pagong.

    At medyo umusad lang nang si Panlilio
    ang maupo bilang Gobernador mismo,
    kung saan ang kita riyan ng Kapitolyo
    sa ating buhangin lumobo ng husto.

    (Kumpara sa dating ‘thousands of pesos’ lang
    ang ‘daily collection’ nitong lalawigan,
    nang sina Lapid ang nasa katungkulan;
    Na naging ‘millions’ na sa kasalukuyan)

    Kaya naman sanhi ng biglang pagsirit
    ng kita sa ‘quarry’ ng governor’s office,
    lahat na ng magagandang ‘public service’
    at iba pang bagay ay naging ‘effective’

    Dala na rin nitong ang lahat na yata
    Ng anumang dapat unang isagawa
    Para sa ika nga’y serbisyong pang-madla,
    Ay taos sa puso niyang ginagawa.

    At ang di nagawang proyktong pambayan
    Nitong mga dating punong lalawigan,
    Ngayon – pati na rin yata pang-nasyonal
    Na inprastraktura, sagot na ni “Nanay?”

    Nar’yan ang ‘provincial jail’ nitong Pampanga,
    na maliban sa bagong gusaling gawa na,
    pina-‘renovate’ na rin ni Gob Pineda,
    kaya naman, hayan sumobra ang ganda

    At maihambing na sa mga piitan
    ng ibang bansa na ‘world class’ ang kulungan;
    Pagkat bilanggo man ay may karapatang
    pang-tao at ‘shelter’ na di pang-aso lang.

    At nitong Martes lang ginanap ang ‘blessing’
    nitong katatapos na ‘newly built building’
    ng LTO dito sa Capitol Ground din,
    na main office bale nito sa ‘Licensing’.

    At dala ng tila walang kapagurang
    pagharap ni “Nanay Baby” sa iba pang
    proyektong nais niyang isakatuparan
    bago pa matapos ang panunungkulan

    Ay tiyakang higit sa naipamalas
    na niya sa atin, pawang matutupad
    sa kamay ng isa pang dakilang anak
    ng Lubao – na Super Gov nga nating lahat!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here