Home Opinion ‘Justice delayed, justice denied’

‘Justice delayed, justice denied’

1449
0
SHARE

Kung anong posibleng dahilan ng ating
pagtukoy sa bagay na kapansin-pansin
sa alin man yatang ‘bench of justice’ natin
ay ang usad pagong na dapat baguhin.

At kung bakit simpleng kaso tumatagal
bago magawa n’yan na masolusyonan,
gaya ng nabiling ‘foreclosed property’ riyan
nina Tatay sa isang tawag ay ‘rural bank’?

Na isinangla riyan ng mag-asawang Cruz,
ang ‘allocated lot’ nila na kaloob
nitong DAR noong si Apo Lakay Marcos
ang Pangulo at siyang kumbaga’y may utos;

Na itong kagaya ng lupang sakahan
at ‘home lot’ para sa kwenta ‘squatter’ lang
d’yan sa ‘landed estate’ na pag-aari riyan
ng isang Rogerio Gonzales, kabayan.

Na bawal isangla yan ng ‘allocatee’
ang lupang agraryo sa madaling sabi;
Ibenta ay lalo ring hindi pupuede,
maliban sa tawag ‘thru hereditary’.

Pero nilabag yan at di nakabayad
sina Cruz sa inu-tangan na Rural Bank,‘
Thru a public auction sale’ riyan na ginanap
nabili ni Tatay – napakaliwanag;

Na pagpapatunay na siya ang ‘lawful
Buyer-in-good faith’ nyan, pero ang desisyon
na binaligtad riyan ng Adjudicator,
kina Cruz ba naman ito naging pabor?

Gustong palabasing 32 more or less,
Square meters lang ang sukat nito, ‘instead
Of it is Five Hundred Nine (509 in square meters,
And subject lot likewise is not subdivided’

Gayong maliwanag pa nga riyan sa sikat
ng haring araw ang kanilang paglabag
sa ‘ruling’ ng DAR at panuntunang batas
ang pinaggagawa nina Felicitas!

At sila’y wala na kahit ni katiting
man lang ng tsansa r’yan na ito’y angkinin
kung ang batas ng DAR ang siyang susundin
ng Adjudicator na ‘double blade’ ang talim,

Kung saan sa puntong ito masasabi
ng inyong abang-lingkod o ‘yours truly’
na itong DAR mismo di maalam pati
sa alituntunin na sukat mangyari?

Napakalinaw riyan na bawal isangla
ng ‘allocatee’ ang hawak nilang lupa,
pero ano itong diyan pinag-gagawa
nitong katulad ng ‘subject’ natin, Kaka?

Matapos kainin ang buong bibingka
gusto ay pamuling kainin, ika nga?
Gayon din naman ang isa, na halata
ang pagkiling kay Cruz, buking na rin yata?

At sana itong DAR maging mapanuri
sa panuntunan n’yan na di maitanggi
ng ilan, na sila mismo di mawari
ang dapat na ‘verdict’ ay nabuburiki.

Madaliin na ang kaukulang hatol
base sa legal na mga dokumentong
naisumite noon at rekomendasyon
ay kay Tatay halos lahat na ay pabor!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here