SOTA ni Mayor Wong ng Simon, umani ng honor

    382
    0
    SHARE

    ANG ‘State of the Town Address’ ni Mayor Wong
    nang ngayo’y maunlad na bayang San Simon,
    kaugnay ng ika-Isang Daan (100th ) Araw
    ng ‘2nd term’ niya, na ginanap nitong

    Nakaraang Biernes sa simbahan mismo
    ng bayang naturan ay siya lang siguro
    itong bukod-tangi sa pagka-alam ko,
    ang gumawa r’yan ng bagay na ganito

    Sa lahat ng naging Alkalde ng bayan,
    sapol ang San Simon ganap nakilalang
    naging tahanan ng mga pang-industryal
    na kumpanyang iba’t-iba ang kalakal.

    At sa lahat na rin ng naging Alkalde
    ay sa kamay pa lang ni Mrs. Wong pati,
    nakita ang mahusay na pagsisilbi
    ng lahat na, at ang service ay ‘Red Tape Free’

    Na pinatutupad ng butihing Mayor
    sa mga kawani – at computerization
    ang pag-proseso ng mga dokumentong
    kailangan kung kaya lahat ‘iwas kotong’

    Kasi nang dahil sa ‘computerization’ din
    pati pagtuos sa kwenta ng bayarin
    sa ‘tax’ halimbawa ng ‘investors’ na rin,
    anong sa kanila pupuedeng kuputin?

    At kahit kanino kung computer mismo
    ang magtatala sa bayarin ng tao?
    Sapagkat ultimong barya o sentimo
    sa sistemang yan ay kwentado ng husto

    At ‘no room’ ika nga para makupitan
    ang ‘investors’ dito o namumuhunan,
    (Kaya naman ‘within a span of 3 months’ lang
    sa ‘2nd term’ ni Mam kumita ang bayan

    Ng ‘eight fi gures’ gaya ng bigay na Ulat
    sa Bayan ng Mayor na napakasipag,
    mula sa buwis at/o kaya ‘business tax’
    ng mga ‘investors’ sa munisipalidad;

    Na mga ‘industrial establishments’ saka
    iba’t-ibang uri r’yan ng kalakal pa;)
    At ang pagkuha ng permit o lisensya
    Ng business sector lubhang magaang na

    At napakadali ng bagong proseso
    na ipina-iiral sa munisipyo;
    Kung saan sa loob ng kinse minuto
    ay matatapos ang iyong dokumento

    Sanhi nitong makabagong pamaraan,
    at/o ‘computerized’ ang lahat ng bagay
    na mga pagkilos sa mga tanggapan,
    kaya makukuha sa isang lakaran

    Ang anumang papeles na nilalakad,
    at sa opisina’y may daratnan tiyak;
    Dahil alas 7:00 pa lamang ay bukas
    na ang mayor’s offi ce (kundi man ang lahat).

    At kahit paglampas na ng alas singko,
    may daratnan ka pa na mag-aasikaso;
    (Di tulad dati na bandang alas kuatro
    ng hapon ay wala ng katau-tao!)

    Pero sa panahon ng panunugkulan
    ni Mayor Wong di na umiral ang ganyan,
    pagkat bilang lider ay pinangunahan
    ang ‘effective public service’ kaninuman.

    Sa pangkalahatan, ay serbisyong tapat
    sa mga Kabalen ang una sa lahat
    para kay Mayor Wong – kaya walang ‘corrupt’
    sa San Simon mula nang maupo’t sukat!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here