KUNG TOTOO itong mga pinagsabi
Ni Miriam Santiago laban kay Enrile,
Sa aniya ay ito ang nag-fi nance bale
Kina Misuari at kasamang rebelde
Upang ang Zamboanga city ay mapasok
At tuluyan nilang ito ay masakop,
‘Inciting to sedition’ na napapaloob
Ang bagay na ito sa Revised Penal Code’
At napakabigat na kaso ang ganyan
Ng sinuman, lalo ng public offi cial,
Kaya marapat na maimbestigahan
Ng tamang ahensya ang akusasyong yan
Ni Santiago hinggil sa gulong nangyari
O biglang pagsiklab sa Zamboanga city
Ng gyera – na aywan kung itong sinabi
Ng kapwa Senador saan ibinase
Na pakana nga ng butihing Senador,
Kung saan paglihis ng ‘public attention’
Sa maituturing na nating rebellion
Laban sa Estado ng kung anong paksyon
Na kagaya nitong pinamumunuhan
Ni Misuari (o ng alin mang kalaban
Ng gobyerno sa parting ka-Mindanawan
Na patuloy pa rin sa ‘pinaglalaban)
Yan ay di lang isang simpleng akusasyon
Ni Santiago laban sa kapwa Senador
Kung kaya mahigpit na imbestigasyon
Ang kailangan upang pagkakatukoy
Kay Enrile nitong si Mrs. Santiago,
Na si sir ang bale gumastos umano
Kina Misuari sa sumiklab na gulo
Ay mapatunayan sa harap ng tao.
At maparusahan itong nagkasala
Laban sa batas ng ating Republika,
Partikular na si Enrile kumbaga
Sakali’t totoo ang bintang sa kanya.
Na tunay ngang itong ‘old timer’ pa manding
Galamay kumbaga ng gobyerno natin
Ang utak at ‘fi nancier’ nitong nangyaring
Rebelyon para lang nito maibaling
Ang atensyon natin sa nangyaring gulo
Upang pagtakpan ang baho sa Senado,
Na kung saan daan-daang milyong piso
Ang kinurakot sa kaban ng gobyerno
Ng ibang Senador at ilang Congressman,
Na itinuturong nakipagsabuwatan,
Kay Napoles, na utak ng PDAF Scam
At mga ‘ghost projects’ ng pamahalaan
Na pinagkagastusan ng ‘billions of pesos’
Ng kaawa-awang si Juan dela Cruz,
Habang ang pamilya’y naghihikahos
Dala nitong matinding pangungurakot
Ng mga ‘lawmakers’ nating mandarambong
Na hayan sige lang sa gawang pagkotong
Sa pera ng bayan sa kabila nitong
Maraming kabayan tayong nagugutom
Ay kinakailangan na tayong kumilos
Upang makastigo ang mali’t baluktok
Na gawa ng mga makapal ang apog
Na opisyal natin tuluyang matapos!