Pagsikil sa karapatan

    288
    0
    SHARE

    Panahon na upang kumilos marahil
    Ang ating mga lider na magagaling
    Dito sa Pampanga upang bigyang pansin
    Itong ‘abuse of power’ nang maituturing

    Ng administrasyong Aquino kay Madam
    Gloria Macapagal-Arroyo, kung saan
    Siya’y patuloy na pinagkakaitan
    Ng kanyang legal na mga karapatan

    Bilang Solon para irepresenta niya
    Sa Congress ang 2nd District of Pampanga,
    Dahil ‘under hospital arrest’ pa rin siya
    At ni hindi makadalo sa Kamara

    Upang magampanan ang kanyang tungkulin
    Sanhi ng aywan lang kung tamang sabihin
    Na di makataong sa kanya pagpigil
     Ng kasalukuyang head of state na rin?

    O ng ating mahal na Pangulong PNoy,
    Na mai-exercise ng dating Pangulong
    Gloria Arroyo ang representasyon
    Niya sa Kongreso sa tamang panahon?

    Marapat lamang na siya’y bigyang laya
    Upang ang tungkulin magampanang kusa,
    At di tulad nitong kulang na lang yata
    Ay idiretso na siya ng Muntinlupa?

    Para ipakulong ng Administration,
    At ang tinatawag po nating ‘presumption
    of innocence’ para kay dating Pangulong
    Gloria Macapagal sa kung anong kasong

    Isinampa laban sa kanya’y di muna
    daraan sa tamang ‘due process’ kumbaga?
    Kung saan masahol pa sa diktaduria,
    Ang batas na ginamit kay Madam Gloria!

    Pagkat tunay namang mga diktador lang
    Ang kayang gumawa sa nasasakupan
    Ng ‘undemocratic’ na pamamaraan,
    Gaya ng patuloy na panggigipit niyan

    Sa pinaka-popular na naging Pangulo,
    Na ninanasa ng rehimeng Aquino
    Ay maipakulong kahit di pa piho
    Na ang akusasyon ay ginawa nito?

    Kaya tama lamang at napapanahon
    Itong ninanasang sa Congress isulong
    Ng mga Cabalen ‘through a resolution
    seeking CGMA release from detention.’

    Na isusumite sa pamamagitan
    Ng mga representateng Kapampangan
    Sa pagbubukas nitong buwan ng July,
    Para sa agaran nilang kahilingan

    Na mailipat sa kustodia ng Congress
    Mula sa mahigpit na ‘hospital arrest’
    Ng ating mahal na Congresswoman elect
    Nang maharap para sa kanyang ‘constituents’

    Ang tungkuling marapat nitong gampanan
    Sa panahon ng kanyang panunungkulan;
    At di tulad nitong akusasyon pa lang
    Ay ipinakulong na ng pamahalaan

    At patuloy pa rin siyang nakapiit,
    Gayong ang kaso ay di pa dinidinig;
    Kaya ano pa bang ating maiisip
    Sa puntong yan kundi ng ‘delaying tactics’

    Ng rehimeng Aquino itong patuloy na
    ‘Hospital arrest’ sa ating Kongresista;
    Kung saan ang 2nd District ng Pampanga
    Itong nawalan ng bosis sa Kamara!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here