‘Centenary birth’ ni Taruc, maluwalhating naidaos

    486
    0
    SHARE

    Kung dati marami ang takot pumunta
    O dumaan man lang sa Luis, Pampanga
    Ngayon kahit anong oras ka magpunta
    Ay wala ng taong sa iyo sisita

    Pagkat ang noon ay pinangingilagan
    At anila’y isang delikadong lugar,
    Dala ng ya’y naging kuta ng kaaway
    Ng pamahalaan sa nagdaang araw

    Ay lubhang malaki na ang pinag-iba
    Kaysa sa dati na kung hindi ka kilala
    Ay malamang na mapagkamalan ka pa
    Na isang ‘informer’ at/o kaya espiya.
     
    Partikular noong ang kilusan laban
    Sa ating gobyerno ay kasalukuyang
    Nasa kainitan, kaya pupuede kang
    Mapahamak kahit mapadaan ka lang.

    Pero ngayon, itong bayan ng San Luis
    Ay isang lugar na pinaka-tahimik
    Sa dakong silangan ng Pampanga province,
    Pati sa ibang bayan pa nitong karatig.

    Mapa’gabi walang dapat ikatakot
    Itong sa alin mang baryo ka mag-ikot
    Dahilan na rin sa may ilaw ang halos
    Lahat na ng dako ng lugar na sakop.

    Bukas magdamag d’yan ang ilaw sa poste,
    Partikular sa may gawi ng palengke,
    Munisipyo, saka malapit sa Parke;
    Pagkat masinop ang kanilang Alkalde

    Na si Honorable Asiong Macapagal,
    Na kwenta ‘co-host’ ng bigay na parangal
    Kay Taruc ng ‘local government official,’
    Academe, media at iba pang samahan

    Ng makata’t manunulat sa Pampanga,
    Na sina Amado Higante at saka
    Ang magpinsang makatang Dolly’t Sarah,
    Kasama ang ilang myembro ng AGTACA
     
    Na bumigkas riyan ng inihandang tula
    Para kay Taruc sa pagiging Dakila
    Ng dating Supremo sa mata ng madla,
    Na ginampanan ng tanyag na makata.

    Na sina Ms. Ofrecina dela Pena
    At Frank Guinto ng Macabebe, Pampanga;
    (Kung saan ang ‘co-host’ ni Mayor, kasama
    Ang Center of Kapampangan Studies pa.)

    Si Fray Francis Musni ang bale ‘program host’
    Sa palatuntunang dito idinaos,
    Na ang ginamit ay English at Tagalog
    Liban sa sariling atin na siyang tampok

    At ang mabait at  butihing Governor,
    Ng Pampanga’y isa sa V.I.P. roon,
    Na nagsalita at sa San Luis nangakong
    Gagawin ang anumang maitutulong.

    (Na inaasahan nating matutupad
    Dahil ano pa mang sinabi’y kaagad
    Inaaksyunan ni Gob nang walang liwag
    Para sa ikabubuti nating lahat)

    (At kabilang sa ilang importanteng tao
    Na nagsalita ay si Juan Rimpy Pablo,
    Na hinangaan ko sa ‘fluency’ nito
    Sa Kapampangan o ‘Sisuang Amano!’

    Kaya marapat lang na ating puriin
    Si Congressman Rimpy sa husay at galing
    Niya sa pagbigkas sa sariling atin,
    Na pupuedeng maipagmalaki mandin!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here