Akusasyon ni Dong kay Oca, malabsa

    416
    0
    SHARE

    Sa pagkapanalo ni Mayor Rodriguez
    Ng City of San Fernando (o CSF),
    Laban kay 3rd District Congressman Gonzales
    Nitong Mayo 13 sa Congressional race

    Yan ay malinaw na pagpapahiwatig
    Na marami pa ring kay Oca mas higit
    Ang tiwala kaysa gaya ni Gonzales
    Na ang ‘expertise’ ay parang luksong tinik?

    Kung saan nakita ang kasanayan niyan
    Sa pagtalon nito sa bangka ng ibang
    Political party nang ang sinasakyan
    Ng naging Pangulong Gloria Macapagal

    Ay tumagilid at manganib lumubog
    Dala nitong iba’t-ibang klaseng unos
    Na biglang sa bangka ni Mam ay sumiklot
    Nang ang ‘term of office’ niya ay matapos.
     
    (At animo’y parang naging kalakaran
    Na ang sistemang yan na pinasimulan
    Kay Joseph Estrada – pero makaraan
    Na maipakulong pinalaya rin yan.

    Na di rin malayong kay Pnoy mangyari
    Kapag ang ‘pattern’ ng kay Erap nangyari
    Ay pamuli’t-muling magiging ‘destiny’
    Ng mga susunod pang Pangulo pati.)

    At sana nga’y di na muli pang danasin
    Ng iba pang magiging Pangulo natin
    Itong kay GMA – na kung saan dahil
    Sa hinala lamang ay nakasuhan din

    Pero si Erap ay hinayaan namang
    Lumabas ng bansa at di hinigpitan
    Na kagaya ngayon ng ginawa kay Mam,
    Ng kasalukuyang nasa Malakanyang)

    At hindi malayong kaya nagka-‘daga’
    Sa dibdib si Cong ay kanyang inakala
    Na posible siyang sumabit kung kaya
    Naging maagap sa pagtalon nang bigla

    Sa bangka ng iba para mailigtas
    Ang sarili at di siya mapahamak
    Ng husto sakali’t tuluyang lumigwak
    Ang bangka ni Madam na dating matatag.

    Alalaon baga, siniguro nito
    Na siya ay hindi madamay ng husto
    Sa naging problema ng dating Pangulo
    Sakali’t tuluyan nang makulong ito.

    Yan sa ganang aming sariling opinyon,
    Ang isa sa ilan pang matinding ‘factor’
    Na nakasira r’yan ng husto kay Cong Dong,
    (At kung saan siya naging ‘virtual traitor?’

    Sa mata ng iba?) At ito marahil
    Ang ikinatalo – at di ang ‘vote buying’
    Na katulad nitong akusasyon mandin
    Ni Gonzales laban sa nakatunggaling

    Si Mayor Rodriguez ng tanyag na lungsod
    Ng San Fernando at kilala rin halos
    Sa buong daigdig bilang isang bantog
    Na lider, sa husay at linis maglingkod!

    (Pamanyaling botu e ya kasangkanan
    Ban makapihu yang sumambut kenu man
    Ing metung a tau – uli ning katutuan,
    Ding botanti ngeni biasa na la naman.

    Kase mapalyaring kuanan de ing pera,
    Pero ing yalal den ing tune buri ra;
    Inya nung i Oca mu e na gawan ita
    Uli ning talagang megaral ya’t biasa!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here