Maling impormasyon di dapat isulong

    363
    0
    SHARE

    Itong ‘photocopy’ ng sulat ni Perez,
    Na kasalukuyan ay ‘municipal treas’
    Ng isang bayan sa parte ng 4th District
    Ng Pampanga upangabisuhin ulit

    Nito ang‘occupant’ ng real property,
    Nang ngayon ay 3rd Class ng municipality,
    Para sa rental n’yan, na pina-‘recopy’
    Ng nagnanais na muling mag-alkalde

    At pinamimigay sa bawat marating
    Na lugar, kahit pa man sa unang tingin
    Ay di ‘campaign material’ na maituturing
    Para sa grupo ng ‘subject person’ natin.

    Pagkat ito’y sulat paalala lamang
    Sa ‘addressee’ nitong nagpadala nga n’yan,
    Kaya naisip kong basahing mataman
    Kung anong mayrun sa papel na pamigay

    At sa’king maingat na pag-analisa
    Sa nilalaman n’yan ay maliwanag na
    Masasakyan na ya’ysulat paalala
    Lang ng Ingatyaman sa isang umukupa

    Ng ‘business space’ na ang munisipyo
    Ang may-ari at si Perez ang kahero;
    At ang pinadalhan niya ng abiso
    Ay itong ‘tenant’ na umukupa nito.

    Upang magbayad ng kaukulang rental
    Para sa nasabing puestong paupahan,
    Pero ano’t tila nililigaw naman
    Ng namumudmod ng sulat na naturan

    Ang mga kabalen sa napakalaking
    Maling impormasyon na maituturing,
    Na kung saan pati ang sarili ating
    ‘Real property’ raw ba ay sisingilin?

    Nang naa-ayon sa laman diumano
    Ng sulat, pero nang ito’y mabasa ko
    Ay maliwanag na sa lupang gobyerno
    At/o puestong ang may-ari’y munisipyo
       
    Itong nasasaad sa nasabing sulat
    Na kinakailangang singilin ng rentas,
    Buwis o anumang bayaring marapat,
    Base sa ‘ting mga panuntunang batas.

    Kaya itong klaseng ‘demolition drive’ nyan
    Laban sa ‘incumbent mayor’ nitong lugar,
    Kung saan ang sulat na yan ay pamigay
    Ay maliwanag na paninira lamang.

    Sapagkat anhin man nating pakatingnan
    Ang sulat ay wala itong nilalaman
    Na kagaya nga ng pagka-unawa n’yan,
    Kaya nga’t posibleng yan ay panlilinlang.

    Maliwanag na ang pag-aari mismo
    Ng pamahalaan o ng munisipyo
    Ang ‘subject matter’ ng sulat ng kahero,
    Ano’t ililigaw n’yan ang mga tao?

    Aywan lang kung iba ang pagka-intindi
    Ng dating mayor at ng kasama pati
    Sa nilalaman ng sulat na nasabi,
    Kundi man talagang wala nang masabi

    O ibang paraanna maisip para
    Sirain si mayor at sila kumbaga
    Itong sa halalan muling makatsamba,
    Sa paraang hindi na kaaya-aya.

    Di ko sinasabing maliit ang tsansa
    Ng dating mayor na mananalo siya,
    Pero ngayon pa lang ay kitang-kita na
    Ang takbo ng kabayo niyang pangarera!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here