Last town mayor, first city mayor

    442
    0
    SHARE

    Wala nang higit na mapalad marahil
    Liban kay Mabalacat town Mayor Boking
    Kung tungkol din lang sa ‘among longest sitting
    Local chief executive’ ang papaksahin

    Pagkat bago pa man itong Mabalacat
    Ay mapabilang sa asensadong siyudad,
    Si Boking ay nakapagsilbi na’t lahat
    Ng ‘six terms’ pati ang bago nitong hawak

    At ngayong ito ay ganap maging lungsod
    Ay inaasahang ‘two or three terms’halos
    Ang kinakaharap niyang makapaglingkod
    Sa Mabalacat city ng sunod-sunod

    At kapag sinuwerte uli ng kagaya
    Nitong nakalipas na pag-upo niya
    Ng ’18 years’ bilang Alkalde – siya na
    Ang ‘city longest sitting mayor’ kumbaga

    Na kung saan kahit sa buong daigdig
    Ay tunay naman ding walang makaparis
    At maituturing na pang-”Ripley’s believe
    It or Not’ angkasaysayan ni Morales

    Sa larangang napiling maging bokasyon
    Na nagdala sa katayuhan n’ya ngayon
    Bilang ‘the foremost and longest sitting mayor
    That ever stays lucky on the battleground

    Of the good and the bad, Morales has chosen
    As his vocation for so many, many years;
    Where in this field he had proven his Kabalen
    Is worth and even his sincerity to them.

    Kasi, base na rin sa naging ‘performance’
    Ni Boking sa bayan nitong Mabalacat;
    Kung saan hanggang sa yan ay maging siyudad
    Ay tunay naman ding walang makatulad

    Ang ‘track record’ niya bilang ‘sitting mayor’
    Dahilan na rin sa tapat na serbisyong
    Ipinakita niya sa ‘constituents’ nitong
    Pinaglingkuran niya ng mahabang taon;

    Kumpara sa alin mang ‘chief executive’
    Sa nakalipas na ’17 years’ mahigit
    Ni kagalang-galang Alkalde Morales
    Sa alin man yatang naunang umugit

    Sa nasabing bayan, sa nangakalipas
    Na ilang dekada o kahit magbuhat
    Marahil nang ito’y maging bayang ganap
    Na kinikilala, buong Pilipinas.

    At baka kahit na ‘lifetime’ pa marahil
    Ang katungkulang hawak ngayon ni Boking
    Ay siya pa siguro ang tatangkilikin
    Ng Mabalaqueño dahilan sa galing

    At kalinisan din sa panunungkulan,
    Ng may sinseridad at taglay na husay,
    Na hindi kailan man yata napantayan
    Ng mga sinundan – kaya nahahalal

    At patuloy pa rin siyang tinatangkilik
    Ng mga maykaya ang ng maliliit,
    Kaya naman hayan, si Boking ang nais
    Nilang maging mayor nang paulit-ulit

    Pagpapatunay lang na ang tiwala riyan
    Ng mga Kabalen ni Boking ay sadyang
    Malaki at walang bahid alinlangan,
    Kaya bida lagi yan sa taongbayan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here