Ex-mayor in hot water

    416
    0
    SHARE

    Kung totoo itong alingasngas hinggil
    Kay ex-mayor Edgar Flores ng Minalin
    Na kinasuhansiya ni ngayon ay ‘sitting
    Mayor’ Katoy Naguit sa kung anong klaseng

    Kapalpakan ba o kawalan ng sapat
    Na kaalaman sa prosesong marapat
    Isakatuparan bago magpatupad
    Ng anumang bagay na gustong ilunsad?

    Gaya na lang nitong kanyang pinagawang
    ‘Multi-purpose center’ sa sarili nilang
    Lupa na minana sa mga magulang,
    Na di nagdaan sa tamang kalakaran;

    Dahilan na rin sa nakapangalan pa
    Ang lupa, sa Tatay niyang namatay na;
    At kuwarta ng bayan ang ginamit niya
    Sa naturang pampublikong istraktura.

    Na tunay naman ding ito ay paglabag
    Sa ‘Anti Graft and/or Corrupt Practices Act’
    At iba pang nasasaad sa ‘ting batas,
    Ang gamitin yan ng di pa nailipat

    Ang ‘title’ ng lupa sa pamahalaan
    Bago ipatayo ang anumang bagay,
    Sapagkat di kailan man pinapayagan
    Ng ating gobyerno ang katulad po n’yan.

    O dahil na rin sa si Ex-mayor Flores
    Nang panahong iyon ay ‘over excited’
    Sa pagpapatayo nitong ‘aforecited’
    Na center kundi man ‘personal interest’

    Itong nangibabaw kung kaya maaring
    Di niya naisip ang kasasapitin
    Sakali’t ang makapalit sa tungkulin
    Ay maalam at may katutubong galing

    Para maiwasto sa dapat kalagyan
    Itong matatawag nating ‘grave ignorance
    Of law’ na nagawa ng dating Mayor diyan,
    Kung di man posibleng yan ay ‘intentional’

    Na maipagawa niya ang nasabing
    Anila ay isang ‘multi-purpose building’
    Sa pribadong lupa na tunay naman ding
    Yan ay wala kahit kapirasong papel

    Na magpapatunay na ya’y pinagbili
    O ‘deeds of donation’ sa puntong nasabi,
    For and in behalf of the Municipality
    Of Minalin bago talagang pupuede

    Nilang pagtayuhan ng kahit ano lang
    Ay tunay din namang may pananagutan
    Si ex-mayor Flores sa puntong naturan,
    Ng ‘anti graft’ sa Office of the Ombudsman

    Na kung saan ito ay naisampa na
    Ng ‘incumbent mayor,’na nagkataon pa
    Sa ‘election period’ kaya itong iba
    Ang akala nila ay ‘black propaganda?’

    Na di naman puedeng pabayaan na lang
    Ng butihing mayor’ ang pangyayaring yan,
    Ngayong ang LRC ay naglabas na riyan
    Ng sertipikasyon na nagpapatunay

    Na nakapangalan ang naturang lote
    Kay Francisco Flores (sa madaling sabi),
    Na siyang ama nitong tinalong Alkalde,
    Ng ‘sitting mayor’ na siyang ‘complainant’ bale.

    Pagkat bilang isang ‘local executive’
    Ay katungkulan ni Mayor Katoy Naguit
    Ang protektaan niya pati ang interest
    At properties ng ‘municipal government’

    Kahit na posibleng masabi ng iba
    Na ya’y harassment o pamumulitika
    Ni Naguit laban sa katunggali niya?
    KABALEN ang siyang bahalang humusga!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here