Lahat ng bagay lumilipas

    473
    0
    SHARE

    Kung totoo itong balita r’yan hinggil
    Kay 1st District Congressman Tarzan Lazatin
    Na di na raw yata makuhang harapin
    Ng butihing Solon ang kanyang tungkulin

    Sa Batasan, sanhi ng hindi malamang
    Dahilan o dala ng medyo huminang
    Resistensya ng kanyang pangangatawan,
    Pagkat siya ay may edad na rin naman

    Para matutukan ng husto ang dati
    N’yang mga gampanin nang madali-dali,
    At kung saan di lang minsan ay napili
    ‘As most outstanding congressman’ ng lipi

    Ng magagaling na naging ‘public servant,’
    Gaya ni Tang Feleng – namana ng anak
    Ang husay at paglilingkod ng matapat
    Ng ama, at siya bilang mambabatas

    Ay di lang din naman minsan nakatanggap
    Ng rekognisyon at iba’t-ibang ‘award’
    Bilang pagkilala sa galing at sipag
    Sa paghahain at pag-akda ng batas.

    Pero ngayong siya’y nagkaka-edad na
    Natural lamang na di na niya makaya
    Ang dating pagkilos na gaya nang una,
    Na siya’y kasibulan o machong-macho pa.

    At kayang-kaya pang makipagdebate
    Ni sir sa Congress bilang Representante,
    Kaya’t ngayong di na niya kayang bumiahe
    Ng malayo, babalik bilang Alkalde

    Na lang ng Angeles ang kanyang puntirya
    Imbes mag-reelect bilang Congressman pa;
    Gayong may isang ‘term’ pa siyang natitira
    Para sa posisyong hawak pa rin niya.

    Sa totoo lang ay aking nakausap
    Si Cong Tarzan bago pa siya mag-‘file’ dapat
    Ng COC para humabol at sukat
    Bilang ‘city Dad na uli nitong siyudad.

    “Congressman” tanong ko, “hahabol ba kayo
    Bilang alkalde sa darating na Mayo?”
    “Hindi” aniya, “sa Kongreso pa rin ako;”
    Malinaw na sagot sa katanungan ko.

    Kaya nang malaman nating nag-‘file’ siya
    Ng kanyang COC,  tayo ay nagtaka
    Pagkat imbes Kinatawan ay Mayor na
    Ng Angeles city mismo ang target niya.

    Dahilan na rin sa ating pagka-alam
    Ay magkumpare si Tarzan at Pamintuan
    At batid nating di sila maglalaban
    Sa iisang puesto, sa puntong naturan.

    Pero aywan lang kung totoo talaga
    Na ang sanhi yata nitong naging mitsa
    Ng ‘hiwalayan’ ng dating magkasangga
    Ay itong nagduda umano ang isa?

    Nang makita niya sa isang ‘local paper’
    Ang litrato nina EdPam at ‘vice gov Yeng;’
    (At si Cong Tarzan naghinala marahil
    Kay Mayor na iba ang tatangkilikin?)

    Anu’t-ano pa man ang naging dahilan
    Ng ‘tampuhan’ nina Cong Tarzan at EdPam,
    Ya’y di na ngayon ang pag-uusapan
    Kundi kung sino ang dapat na ihalal;

    Sa Angeles… kung ang may edad ng manok
    Na ngayon ay di na yata makapupog
    O itong malakas pa ang kanyang tuhod, 
    At parang agila kung ito’y kumilos?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here