Home Headlines Tama lang marahil na ibalik ang parusang bitay

Tama lang marahil na ibalik ang parusang bitay

579
0
SHARE

Mas makabubuti na muling buhayin
ang ‘death sentence’ upang kahit na katiting
man lang lumiit ang bilang ng ‘heinous crime’
na halos ay di na magawang bilangin.

At masawata ng kinauukulang
sangay ng gobyerno ang paglobong taglay
nitong anong sanhi kundi nang kawalan
ng takot sa batas ang mga kriminal.

Mula ‘rape with slay’ na lubhang talamak,
yan ay karaniwan na sa Pilipinas;
Isama pati ang ang di mawasak-wasak,
na paglaganap r’yan nitong ‘illegal drugs’;

Nakaka-alarma itong nangyayari
sa lahat ng sulok ng bansa, kasi –
kaya marapat lang na hangga’t maari,
iisang pagkilos ang isulong pati.

Buhay pa bang batas na dapat umiral
dito sa‘tin – ngayong pang-mahirap lamang
ang bisa nito at hindi pang-mayaman
ang ‘lawful effect’ ng bagay na naturan?

At kung saan dahil na rin nga sa puntong
kung alin ang dapat masunod ay itong
batas na ginawa riyan ng mga Solons,
kabaligtaran ng nangyayari ngayon!

Sila pa rin bilang mga mambabatas
ang nakikinabang sa tumatagaktak
na pinagpawisan ng dugong mahirap
sanhi ng sila ang higit na mautak.

Sa akala po ba natin kababayan
gagawa ng batas na ikatigok r’yan
ng nakararami nating Kinatawan
at mga Senador, na takot mabitay?

Sa ngayon maugong itong isyu hinggil
d’yan sa ‘Cha-cha’ at kung saan itong ating
‘1987 Constitution’ baguhin,
sana ang ipalit patas na pagtingin.

At di ang gaya ng komo malapit siya
kay Pangulo itong diyan nagkasala
ng pangungurakot ginawa na niya,
bale wala lamang dahil ya’y kasangga?

Huwag din naman sana riyan ng katulad
nang naging kaso ni ‘De Singko’ di agad
nabigyan ng pansin para makalabas,
sanhi ng aywan kung kawalan ng ‘back up’.

Alalaon baga, ‘yan sa ganang ating
sariling opinion ang naging sanhi rin
nitong hanggang ngayon ay lumang tugtugin
d’yan sa Malakanyang, ika nga po natin

Burahin na dapat kung itong ang tugon
upang ibasura r’yan ang Konstitusyon
na idinikta nga ng dating Pangulong
Corazon Aquino nang panahong iyon.

At sana ay maging patas sa lahat na
riyan ng mamamayan ang magiging bunga
nitong isusulong nilang bagong ‘Cha-Cha’
na tunay maka-Diyos at maka-tao pa!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here